Kris kumampi kay Grace para iligtas si PNoy

NOYNOY AT KRIS AQUINO

NOYNOY AT KRIS AQUINO

BONGGA ang mga eksena ng magkapatid na Kris Aquino and PNoy regarding their choices for their presidential candidates. May pasimpleng drama ang magkapatid – very bright political strategy ang basa namin sa kaechosan nila.

Kung natatandaan ninyo, parang ayaw kuno si Kris sa pagtaas ng kuya niya sa kamay ni Sec. Mar Roxas sa Liberal Party’s standard bearer for presidency.

May simangot factor pa raw sa sikat nating TV host na nahuli pa raw sa camera. At medyo vocal nga raw si Kris sa pagsasabing close siya sa pamilya Binay at kay Manang Inday (Ms. Susan Roces) whose daughter Sen. Grace Poe is another top favorite sa 2016 presidential elections. Nakalimutan na nga yata ni Kris na if not for Sec. Mar’s giving way to his brother six years ago when their mom died – public sympathy ang nakita naming nagpanalo kay P-Noy that time.

Kasi nga, wala namang nakitang leadership sa kuya niya when he was still senator. And finally he became president.

“Drama lang nilang magkapatid iyan. For sure napag-usapan na nila iyan behind closed doors. Kasi nga, malakas talaga ang hatak ni Kris whether we believe it or not. Alam niya kasing namumuro ang kuya niya once he steps down in 2016 kaya dapat maniguro ang mga Aquino.

“Kaya ang drama niya ngayon ay kiyemeng may kaniya-kaniya silang mamanukin sa presidency. PNoy for Mar and Kris naman for either Binay or Poe para kung sinuman ang manalo sa kanila, hindi sila reresbakan. If Mar wins, hindi niya hahayaang magalaw si PNoy but if either Poe or Binay wins, siyempre ipapakiusap ni Kris ang Kuya Noy niya sa kanila na huwag kasuhan or what.

“That’s a wise strategy na for sure ay alam or aware naman ang mga tao pero deadma na lang. Hinaluan na nila ng acting ang politics, di ba? Magaling pala silang umarte,” sabi ng isang political analyst na kausap namin.

May point, di ba? It’s knowing which basket you’re gonna put your eggs. Para safe nga naman sila, lahat ng manok ay dapat pustahan nila para siguradong hindi sila magagalaw ng susunod na uupo sa Palasyo.

With Kris’ popularity and drawing power, natural na hahatak talaga ito ng votes. Kiyemeng mag-aaway nga sila munang magkapatid pero pagdating ng panahong ipitan na, doon na papasok ang kasabihang “blood is thicker than water”.

Hindi hahayaan ni Kris na makasuhan ang kuya niya. Siya na ang makikiusap sa kung sinumang susuportahan niyang winning candidate. Natural na pagbibigyan siya ng mga ito in the name of “utang na loob”, di ba mga Ining?

Kaya panoorin ninyo ang magkapatid na P-Noy and Kris – may mga drama pang sinabihan diumano ni PNoy si Kris to “Shut up!” Para kuno-kunong nagtatalo sila dahil ayaw ni Kris kay Mar. Kasi nga, hindi feel ni Kris si Ate Koring (Ms. Korina Sanchez). di ba’t meron silang silent war nito? Hindi ma-take ni Ate Koring ang kajortehan ni Tetay.

Sa pagkakatanda ko, parang nagsimula ang pagkabuwisit nila sa isa’t isa while they were still doing their morning show noon sa ABS-CBN years ago. Panay kasi ang pang-iinsulto ni Kris sa mga damit ni Ate Koring on air. Natural na hindi palalagpasin ni Ate Koring iyon. Kilala ko si Korina Sanchez – she may be very patient pero may limitasyon iyon. Kung malditahan lang, hindi uubra si Kris sa kaniya.

Read more...