Singil sa kuryente bababa ng 26 sentimos
Leifbilly Begas - Bandera August 06, 2015 - 02:28 PM
Bababa ng 26 sentimos kada kilowatt hour ang singil ng Manila Electric Company sa mga kustomer nito ngayong Agosto.
Ang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba ng generation charge ng P0.19, transmission charge ng P0.04 at buwan na P0.04 kada kilo watt hour.
Ito ang ika-apat na pagbaba ngayong taon na umaabot na sa P1.36 kWh, ayon sa spokesman ng Meralco na si Joe Zaldarriaga.
Ang mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay mababawasan ng P52.56 ang binabayad, ang 300 kWh ay P78.83, ang 400 ay P105.11 at ang 500 kWh ay P131.39.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending