Hindi tatandang dalaga (2)

Sulat mula kay Mayla ng Maliao, Oavia, Iloilo
Problema:

1. Tawagin nyo na lang akong Mayla at sa darating na September 16 ako po ay mag 41 years old na. Ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya natatakot ako na tumandang dalaga. Sabi nga ng mga co-teacher ko, masyado daw akong na in love sa mga bata na tinuturuan ko kaya nakalimutan ko na ang love life ko. Pero hindi naman po, ang totoo wala pa lang dumarating kaya nagaalala at natatakot na ako na baka ako ay tumandang dalaga kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.

2. Nasa guhit po ba ng palad ko ang tumandang dalaga? Kung hindi naman, kailan kaya ako makapag-asawa, sino ang lalaking mapapangasawa ko at saan ko makikilala? September 16, 1974 ang birthday ko.

Umaasa,
Mayla Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang nakatakda mong maging boyfriend sa susunod na taong 2016.
Numerology:

Habang ang birth date mo namang 16 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29 ang manliligaw sa iyo, kung saan, ang lalaking ito na rin ang siya nang magiging boyfriend mo at ito ay nakatakdang mangyari tulad ng nasabi na sa taong 2016 sa edad mong 42 pataas.
Luscher Color Test:

Upang mas madaling matupad ang nasabing pagaanalisa sa itaas, lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Kung saan, ang kulay na berde at asul ay siya ring magiging mapalad ninyong kulay habang kayo ay nagsasama at nagmamahalan. Ito rin ang maaaring gamiting motif sa araw ng inyong kasal upang tuloy-tuloy kayong suwertehin habang nagsasama at nagmamahalan.
Huling payo at paalala:

Mayla ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa taong 2016 dara- ting na ang lalaking malaon mo ng pinakahihintay, bukod sa isinilang sa zodiac sign na Taurus siya ay nagtataglay rin ng initial na J.R. kung saan, ang lalaking ito ang nakatakda mong maging boyfriend hanggang sa tuluyan na ring mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay nang pamilya.

Read more...