Bagyong Hanna humina pero…

pagasa
Bahagyang humina ang bagyong Hanna subalit makakaapekto pa rin ito sa Hanging Habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras at pagbusong umaabot sa 200 kph.
Umuusad ito sa bilis na 20 kph pakanluran-hilagang kanluran. Sa linggo ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsiblity ang bagyo.
Kahapon ay itinaas ng PAGASA ang public storm signal no. 1 sa Batanes kasama ang Itbayat, Calayan at Babuyan group of islands.
Binabalaan ng PAGASA ang mga mangingisda na malalaki ang alon.

Read more...