Shaina: Trabaho lang ang ginawa namin ni John Lloyd!

shaina magdayao

May sagot na si Shaina Magdayao sa mga nagtatanong kung paano siya napapayag na makatrabaho sa Nathaniel ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na gumaganap bilang abogadong tumutulong sa pamilya ni Pokwang bilang si Aling Beth sa pagkamatay ng asawa nito.

May mga nagsabi pa nga na sana sila na lang ulit. Guest si Shaina kasama si Matteo Guidicelli sa Aquino And Abunda Tonight noong Martes ng gabi at natanong siya ni kuya Boy Abunda kung paano nga siya napapayag at ano ang reaksyon niya kay Lloydie.

“Actually parang hindi ko rin nakita ‘yun na magkakatrabaho kami. It was okay, doon lang ako sa fact na magtatrabaho kami together.

And it’s okay because we see each other naman, we have common friends. Siguro on the set, ‘yun ang trabaho, but other than that, wala naman na,” paliwanag ng dalaga.

Sabi pa ng TV host, hindi naman daw sa Nathaniel taping unang nagkita sina Shaina at JLC. Sinang-ayunan naman ito ni Shaina, “Yes, ‘yun ang feeling ko ganu’n ang ibang tao, pero hindi kasi ilang taon na ang nakalipas, ilang Star Magic Ball na ang nakalipas.”

Natutuwa naman ang dalaga nang makarating sa kanya ang magagandang komento ng manonood at netizens sa mga eksena nila ni John Lloyd sa Nathaniel.

Dito nga may mga nagsabi na bagay na bagay pa rin sila at sana raw ay magkabalikan na lang ang dalawa.

Samantala, may isa pang teleserye ngayon si Shaina kung saan makakasama nga niya si Matteo, ang Single-Single na mapapanood sa Cinema One simula sa Agosto 29.

Read more...