KULANG na lang pala ay magwala na si James Reid sa pagkaimbiyerna sa ilang namamahala ng bago niyang soap opera.
Imagine this: in the morning ay nag-guest sina James at Nadine Lustre sa morning show ni Kris Aquino. Then sa tanghali ang presscon nila for the new teleserye.
After that, meron pang blogger’s presscon during the afternoon. Sa gabi naman ay ang premiere night ng one week episode ng kanilang soap opera.
Summing it all up, napagod nang husto si James. Ikaw ba naman ang sunud-sunod ang activities all in one day ay hindi ka ba mapapagod? Tao rin lang si Papa James, ‘no, at marunong din siyang mapagod.
Nu’ng blogger’s presscon pa nga lang daw ay hindi na maipinta ang mukha ni James. Talagang people saw in Jame’s face na aburido na ito, na pagod na ito.
Wala na nga raw ito sa mood at hindi na interesado sumagot sa mga tanong sa kanya. Noong gabi na, obvious na obvious na ang pagkapagod ni James.
Halatang napilitan na lang itong dumalo. Hindi robot si James, tao siya. This, the people managing his career and the people ma- naging his soap opera should realize.
Ganyan na ba ngayon ang kultura sa Dos, ginagawang parang robot ang mga artista nila?