Ex-member ng Baywalk Bodies pinakasalan ang bangkay ng pinaslang na Masculados Dos

ozu ong

MEDYO napaluha ako nang mabasa ko ang text ng isang kakilala saying that murdered Masculados Dos member Ozu Ong got married na yesterday to his lady love Camay, dating member ng Baywalk Beauties, sa kaniyang burol sa isang funeraria sa Antipolo.

Bihira na kasi ang ganito – yung sobrang pagmamahalan ng dalawang magsing-irog na kahit sa kamatayan ng isa ay handang magsakripisyo habambuhay.

I admire Camay for allowing herself to go through this, ibig lamang sabihin nito ay sobrang mahal niya ang pinaslang na nobyo kaya pumayag na maikasal sa kaniyang burol.

Tilad-tilarin natin ang eksenang ito. Si Camay ay isa sa members ng dating sexy models/actresses named Baywalk Beauties.

Alam niyo naman pag sinabing member ng Baywalk – merong notion that they are not really wholesome.

Sexy sila pag nag-perform kaya ang tingin ng tao sa kanila ay easy girls though sa totoong buhay ay may kaniya-kaniya silang personality.

Tulad nitong si Camay, kung tutuusin ay puwede pa siyang makakilala ng lalaking magmamahal at mag-aalaga sa kaniya. May konting pangalan, maganda pa rin at mabuti ang puso.

Pero she chose to be tied up with someone who will never be here in the flesh. Nakakaloka, di ba?
Matagal na raw kasi nilang pangarap ang maikasal, they have children na kaya talagang nagpursige itong asawa na niyang si Ozu na makapag-ipon para sa kanilang future.

Pero sa kasawiang-palad ay nauwi sa karumal-dumal na pagpaslang sa kaniya. Ilan pa kayang babae ang may ganitong puso sa kaniyang iniirog?

Not the Anne Curtis’ of this generation. Lalong hindi puwede sa isang Kris Aquino ang ganito considering that they are more wholesome than these Baywalk beauties.

In short, mas totoo ang puso ng mga katulad ni Camay compared to the so many women on earth.
Kahit ganoon kababa ang tingin sa kanila ng sanlibutan dahil sa imaheng pinu-project ng kanilang grupo, who would ever think na mas dalisay silang magmahal?

I don’t exactly know kung kailan ang libing ni Ozu Ong. But my heart bleeds for him dahil kaibigan ko ang batang ito. He has so much respect for me.

Everytime that he changes phone numbers he would update me. His sister Mary Jane Ong is my good friend. She works for the News Department of ABS-CBN.

Madalas kaming magkasalubong sa hallway or even sa smoking area malapit sa cafeteria. She’s such a sweet and beautiful lady.

I can’t imagine how devastated she is right now kasi baby brother niya itong si Ozu. We would sometimes talk about him.

I can feel how proud she is of her baby brother Ozu. Love ko kasi iyang si Jane kaya nagkakaintindihan kami. Hindi ako dumalaw sa burol. I want to remember Ozu na buhay.

Na parang nagbakasyon lang na hindi ko na nakita. Yung ganoon para maibsan ang lungkot ko. Mabait kasi sa akin ang batang ito. Everytime na nagkakasama kami sa any event.

He would come to me and embrace me. Parang anak-anakan ko na rin kasi iyan – lahat naman silang Masculados Dos members ay sweet sa akin.

And I saw how hard he worked to do good as a performer mula nang mapasali siya sa Masculados Dos ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Sayang pero ganoon talaga ang buhay. Hindi talaga natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ibabaw. Kaya I would always get a reminder from Kuya Boy Abunda that habang buhay tayo, let’s do good.

Let’s enjoy our lives and as the famous poet Maya Angelo would say, “If you want to say I love you to someone, say it now because tomorrow is never promised”.

Goodbye for now, Ozu. Enjoy your vacation. See you in the next life. Mwah!

“Justice for Ozu Ong!” Iyan ang sigaw ng ilang malapit sa puso ng dating Masculados Dos performer. Kasi nga, isang linggo na halos pero wala pa ring malinaw na resulta sa imbestigasyon sa pagpaslang sa kaniya.

Nakuha ang kotse niya – wala bang makaka-trace noon? Ano iyon, na-chop-chop? Wala bang makapagbigay ng impormasyon kung nasaan na ang kotseng iyon – isang black Hi-Lux ba iyon or what?

Wala bang kapitbahay ang kumuha noon na nakakaalam kung saan nakaparada ang said car?
Kung itinapon man sa ilog, dapat lumutang na.

Kung nasa poder ito ng isang maimpluwensiyang nilalang, wala bang houseboy or katulong diyan ang may pusong makapagpabigay-alam sa otoridad ng impormasyong ito?

Ang bagal ng authorities natin talaga. Kung sa Amerika iyon, the next hours ay nasukol na ang killers kasi nga merong ebidensiya – yung kotse.

Kasi hanggang ngayon hindi pa rin nakikita yung kotse ni Ozu na kinuha ng killers. Ano ba iyan? Poor police officers. Or baka very well-protected ang mga salarin? Hay…!

Read more...