Nagtitinda ng dyaryo nanalo ng P6.1M jackpot sa 6-digit

Isang babae na nagtitinda ng dyaryo ang nanalo ng P6.1 milyong jackpot prize sa 6-Digit draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang nanalo ay 52 taong gulang, may-asawa, apat na anak at nakatira sa Cavite.
Siya ng nakakuha ng mga numerong 1-4-7-3-4-1 sa draw noong Hulyo 11.
Kinuha ng nanalo ang mga numero sa kaarawan ng kanyang kapamilya. Nagkakahalaga ng P30 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano niyang palaguin ang negosyo gamit ang napanalunan at magtira para sa kanyang mga anak.

Read more...