Kris ikakampanya si Mar kahit ayaw kay Korina

By Julie Bonifacio August 05,2015
share this

Kris ikakampanya si Mar kahit ayaw kay Korina

By Julie Bonifacio August 05,2015
share this

korina sanchez

NAGPAHAYAG na ng damdamin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pag-eendorso ng kapatid niya na si Presidente Noynoy Aquino kay Mar Roxas bilang kandidato niya for the Presidential elections next year.

Malinaw na hindi feel ni Kris na ikampanya si Sec. Mar sa susunod na halalan. Natigalgal ang TV host kung sang-ayon ba siya sa sinabi ni Sec. Mar na siya ang magpapatuloy ng legacy ng kanilang ina, ang yumaong si President Cory Aquino.

Pero during her speech sa puntod ng kanyang ina, sinabi ni Kris na nirerespeto niya ang desisyon ni P-Noy. Dahil mahal niya ang kanyang kapatid ibibigay daw niya kung ano ang makapagpapaligaya kay P-Noy ngayon, sa 2016 at magpakailanman.

Mukhang kahit tutol ang kalooban ni Kris na suportahan si Sec. Mar ay gagawin niya ‘yun alang-alang kay P-Noy. Or pwede naman, quiet na lang siya sa campaign at hindi iendorso sinuman kina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe na mga kaibigan niya at posibleng maka- laban ni Sec. Mar sa 2016.

May mga nagtatanong tuloy sa amin kung ano ba talaga ang ikinaayaw ni Kris kay Sec. Mar. Mukhang gentleman naman ang Kalihim at wala tayong nabalitaan na naging isyu sa kanila.

Hindi raw kaya dahil sa misis nitong si Korina Sanchez? Well, noon pa naman ay open secret na ang ‘di pagkagusto nina Kris at Korina sa isa’t isa.

Pareho kasing napaka-strong ng personality ng dalawang naglala- kihang Kapamilya talents, e.  Akala ng iba ay naging okey na sina Kris at Korina nu’ng magsama sa isang morning talk show ng ABS-CBN.

Pero parang nagpaplastikan lang daw yata ang dalawa that time.Mukhang naging okey naman sila noong unang plano ni Sec. Mar na tumakbong Presidente at kuning ring bearer ang anak niyang si Bimby sa wedding noon nina Sec. Mar at Korina.

Although, tila napunit ulit ang “friendship” nila ni Korina nu’ng magkaroon ng isyu sa pagiging ring bearer ni Bimby sa wedding.

In fact, muntik na noong i-pullout ni Kris si Bimby bilang ring bearer. Pero nagkahiyaan na lang at para ‘di lumaki ang isyu kaya pumayag na rin si Kris.

At nainterbyu pa ni Kris si Korina during the wedding sa dati niyang talk show. After that, every time may pasabog si Kris mapapansin na kay Jessica Soho ng GMA 7 siya nagpapaunlak ng exclusive interview at hindi sa Kapamilya network.

Oh, well, tama si P-Noy, Kris has a mind of her and nobody can dictate her what to do. Sinabi rin naman ‘yun ni Kris na never nag-impose sa kanya si P-Noy bagkus ay hinahayaan niyang mag-decide ang kanyang youngest sister. ‘Yun na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending