Tsismis kay Grace na lasengga, nambugbog ng katulong tinawanan lang

grace poe

Kalat na kalat ngayon sa social media ang mga malilisyosong chika tungkol kay Sen. Grace Poe. In fairness, hindi pa nagdedeklara ang senadora ay kung anu-anong kanegahan ang ibinabato sa kanya, ha!

Sa isang umpukan ng ilang entertainment reporters, napag-usapan ang tungkol sa lumalabas ngayong kuwento tungkol sa diumano’y pagiging lasengga raw ng anak nina yumaong FPJ at Ms. Susan Roces.

Bukod dito, may kuwento rin na nambugbog daw ito noon ng dating kasambahay, na mainitin daw ang ulo nito, at ang pinakamatindi, dati na raw ipinasok ang senadora sa drug rehab.

Pinagtatawanan lamang ito ng pamilya ni Sen. Grace Poe, lalo na ni Ms. Susan Roces. Hindi na raw bago sa kanila ang ganitong sistema sa politika.

Ginawa na rin daw kasi ito noon kay Da King FPJ, nu’ng tumakbo ito sa pagkapangulo noong 2004.
Kahit ang mga taga-entertainment media ay naloka sa mga chikang ito.

Baka raw yung mga nagpakalat ng nasabing tsismis ang mga adik at lasing? Sana raw kung gagawa ng gimik ang mga ito ay yung makakatotohanan.

In fairness, alam naman kasi ng madlang pipol na maayos ang pagpapalaki nina Da King at Ms. Susan kay Sen. Grace kaya mahirap paniwalaan ang mga ganitong chika.

Read more...