Robin: Posibling triplets ang nasa tiyan ni Mariel!

robin padilla

TUWANG-TUWA si Robin Padilla nang malaman niya na malaki ang posibilidad na triplets ang magiging anak nila ni Mariel Rodriguez.

Ayon sa latest post ni Binoe sa kanyang Instagram account, mismong ang OB Gyne ni Mariel ang nagbalita sa kanya na may possibility na tatlong sanggol ang nasa sinapupunan ng kanyang misis.

Ipinost ng action star ang latest result ng ultrasound ni Mariel sa IG at doon nga nito ibinalita na kung matutuloy ang kanilang triplets, papangalanan nila itong Maria, Juan, at Gabriella de Padilla.

“Aug 3, 2015 Asian Hospital/Clinic of DRA MANALO – pwede daw maging triplets!!! hahhahaha triplets or twins daw!!! but yung isa sa kanila may heartbeat na!!!

“Possibility pa lang yung triplets eh hindi pa sure kasi possible na nagfofold yung isa kaya nagiging 3 pero gulat na gulat si doctora and for the first time nakita ko na kinilig siya sabi niya ‘the heartbeat made my day’, masyado akong masaya!!!

“1 has a heartbeat, 1 has a forming fetal pole and 1 has a sac. all iba ibang age. but i have a condition that i have to explain to you later so i will take blood tests. –@marieltpadilla.”

“Maria, Juan and Gabriela de Padilla GOD WILLING maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta kay @organicaholic_mariel.”

Kadarating lamang sa bansa ni Mariel matapos ang ilang linggong bakasyon sa Spain. Naiwan pa roon si Binoe para tapusin ang kanyang proyekto na may kinalaman sa pagkilala sa mga ninuno ng pamilya Padilla.

Read more...