Wowowin ni Willie dinagdagan ng 15 minutos

willie revillame

Maraming kaibigan naming dekada nang naninirahan sa iba-ibang bansa ang nakikiusap sa amin ngayon na mapadalhan namin sila ng kopya ng YES! Magazine na si Willie Revillame uli ang nasa cover.

Gusto raw kasi nilang makita ang itsura ng mga ipinagawa niyang bahay at hotel sa Iruhin, Tagaytay. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan namin sa kinapuntahan nang ilang dekada nang pagsisipag ng aktor-TV host.

“Nu’ng pumutok ang kuwentong nagka-casino si Willie, e, isa lang ang sinabi naming magkakaibigan. Nagdidibersiyon lang siya.

May napipingas man sa pinaghirapan niya, e, alam naming isang araw, titigil din siya. “Look, tumigil nga siya! Kumbaga, e, gusto lang siguro niyang ma-experience ang mga pinagkukuwentuhan ng mga kaibigan at co-stars niya,” kuwento pa ni Vangie Caperal Aleemi na tatlong dekda nang nagtatrabaho-naninirahan sa Virginia, USA.

At ikinasaya rin nila ang balitang mapapanood na ang Wowowin nang mas maaga ngayon. Makaka-back-to-back ng programa ni Willie ang Sunday PinaSaya ng GMA 7, may nadagdag pang kinse minutos para sa Wowowin, kaya panalo!

“Nakakabitin naman kasi ang one hour show ni Willie, nasanay na kaming three hours ang show niya, kaya maganda ‘yan, kahit sa loob lang nang fifteen minutes, marami pang magagawa ang show para sa amin,” dagdag ni Vangie.

Sa August 9 na, sa darating na Linggo, ang mas pinaagang show (2 p.m.) ni Willie Revillame sa GMA 7.

Read more...