Volleyball superstar rumesbak sa ‘Ahasan Scandal’; umamin sa tunay nilang relasyon ni Kiefer

kieper ravena

DINENAY ng sikat na volleyball player na si Alyssa Valdez na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kiefer Ravena at dati nitong girlfriend na si Mika Reyes, na isa ring magaling na volleyball player.

May kumalat kasing balita na siya na raw ngayon ang karelasyon ni Kiefer na isa namang sikat na basketball player. Pero sabi ni Alyssa, wala itong katotohanan.

“Grabe, hindi po, hindi po totoo talaga. We’re really good friends (ni Kiefer) when I entered Ateneo. So, I think that’s it. Wala naman po,” ang pahayag ng dalaga nang humarap ito sa press launch ng bagong ad campaign ng PLDT, ang Home Ultera.

Si Alyssa ay member ng volleyball varsity team ng Ateneo Lady Eagles, habang si Kiefer naman ay isa sa mga bumubuo ng basketball varsity team na Ateneo Blue Eagles.

At dahil nga sa kasikatan nga- yon ni Alyssa, isa siya sa napiling maging bahagi ng Ultera Barkada, kasama ang iba pang volleyball superstars tulad nina Rachel Daquis, Jaja at Dindin Santiago, Ara Galang, Mika Reyes, John Vic De Guzman at Peter Torres.

Ngunit sa presscon ng PLDT, tanging sina Jaja, Dindin, at Peter lang ang nakara- ting. Present din sa nasabing event ang PLDT Vice President at Home Marketing Head na si Gary Dujali.

Nanghinayang naman ang press sa hindi pagdalo ni Mika sa event dahil nga siya ang may pinakamainit na isyu ngayon dahil sa break-up nila ni Kiefer.

Hindi kaya talagang umiwas siya sa media para hindi siya matanong about it?  Ang sagot ni Alyssa, “I don’t think so po. Everyone naman po has commitments and, as an athlete, we have to be responsible sa mga commitments namin.

Kailangan niya talaga yata…Ara and Mika, may training po talaga yata po sila.” Natanong din ang dalaga kung may ilangan ba sa pagitan nila ni Mika dahil sa isyu sa kanila nina Kiefer? “Wala po, we’re good friends outside po.

Kami rin po ni Kiefer, wala naman talagang issue, e. Everything’s okay naman po,” chika pa ni Alyssa.
Hindi ba siya nasa-shock na iniintriga na rin sila kahit nasa mundo sila ng sports? “Siguro more of nagugulat lang.

Siyempre hindi naman po kami sanay na nai-interview din masyado. Pero I think kaya naman pong i-handle. We’re all good friends naman po inside and outside the court.”

Actually, marami ng endorsements si Alyssa, ang latest nga ay itong PLDT Home Ultera, “Well, I’m really happy na I’m with my co-players naman.

Siguro what I can say talaga is it’s really related to volleyball, that’s why sobrang fun lang. “Sobrang saya ng endorsement kasi I’m with all my friends talaga, sobrang barkada lang talaga lahat.

So, thankful, very blessed. Actually, bagay na bagay sa amin ang Home Ultera!” aniya pa. Kung mabibigyan ng chance, gusto ring i-try ni Alyssa ang showbiz, “Why not, kung bibigyan po ng opportunity.

It’s really a new challenge for us kung bibigyan kami ng chance na pumasok (sa showbiz).
“It’s a new world for us, so kung bibigyan po, bakit hindi naman po, di ba?” chika pa ng dalaga.

Read more...