MANANG,
Ako po si Raymond, 26, taga La Union.
Good afternoon po Manang Pher at mga katropa.
Hihingi po sana ako ng advice pati na rin sa mga katropa.
Kasalukuyan po akong nagmo-move on sa ex ko na nasa Dubai ngayon. Kasi po tawag siya nang tawag sa akin at makailang beses na po akong nagpalit ng sim card pero binibigay po ng mga barkada ko ang number ko sa kanya. Kaya hanggang ngayon ay patuloy siyang tumatawag at nangungumusta sa akin kahit may iba na siyang BF. Palagi niyang sinasabi na mahal pa rin niya ako.
Ano po kaya ang dapat kong gawin para tigilan na niya ako?
Raymond, La Union
Hello Raymond ng La Union.
Maaaring tapatin mo ang iyong ex na gusto mo nang itigil ang inyong communication. Payuhan mo rin siyang mag-move on kung may pagkakataon na kayo ay makakapag-usap.
Be sincere and wish the person her happiness.
Be nice pero be direct din. Sa isang banda, you can just ignore the calls and tell the person you can’t talk
dahil busy ka. You don’t have any obligation to talk to the person if you don’t want to, ‘di ba?
Sabihan mo rin ang mga kabarkada na huwag ng ibigay ang number mo sa dating kasintahan upang maka-move on na kamo s’ya. Good luck and all the best!
Payo ng tropa:
Dear Raymond,
Mahirap ang kasong ganyan na nasa process ka ng pagmo-move on pero merong mga sagabal. At ang masakit ang sagabl na iyan ay yung mismong ex mo pa.
Ignore her, yun lang naman iyon. Magsasawa at magsasawa rin siya ng kakatext at kakatawag sa iyo.
Ang kaso kaya mo kayang gawin iyan. Well, it really takes guts to do that lalo na kung mahal mo pa rin siya.
Sa isang banda, magandang tapatin mo siya at diretsahin na tapos na ang lahat ang sa inyo. Masakit iyon pero that is the only way na makalaya kayo pareho.
Good luck.
China, Novaliches, Quezon City
Dear Raymond,
Nakakaloka naman ang iyong ex-girlfriend para ka pa balik-balikan.
Kung tama ang pagkakaintindi ko may bf na siya ngayon. Ang tingin ko ok lang sana kung gusto ka niyang balikan kung nakipagbreak na siya sa kanyang present bf para makipag-ayos sa yo. Pero ang siste, gusto ka pa niyang gawing “other man.” Kahit pa may natitira pang pagmamahal sa yo, mas maganda na ang ginagawa mong pag-iwas at pagmove on. Ang maganda lamang sa sitwasyon mo, sa Dubai siya at ikaw ay nasa Pinas kayat mas madali na umiwas ka na lamang sa kanya. Kung sakaling makausap mo siya, maging firm ka sa pagsasabing dapat ay tigilan ka na niya.
Marami pang babaeng darating sa yo na mas deserving ng pagmamahal mo. Iba ang pagpapatawad sa patuloy na magpapaloko lalu na sa parte na ikaw ang lalaki.
Goodluck,
Kris ng QC
Naku bro, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Sabihan mo yang ex mo na huwag ka nang kulitin dahil wala na siyang mapapala.
Minsan kailangan mong maging harsh para tuluyan ka nang layuan niyan.
The more kang magpakita nang mabuting kalooban lalo lang yan magkakalakas ng loob na balik-balikan ka, para ano paasahin at gawing mukhang tanga.
Pull the plug, bro.
James,
Muntinlupa City