Sulat mula kay Mayla ng Maliao, Oavia, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Tawagin nyo na lang akong Mayla at sa darating na September 16 ako po ay mag 41 years old na. Ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya natatakot ako na tumandang dalaga. Sabi nga ng mga co-teacher ko, masyado daw akong na in love sa mga bata na tinuturuan ko kaya nakalimutan ko na ang love life ko. Pero hindi naman po, ang totoo wala pang dumarating kaya nagaalala at natatakot na ako na baka ako ay tumandang dalaga kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Nasa guhit po ba ng palad ko ang tumandang dalaga? Kung hindi naman, kailan kaya ako makapag-asawa, sino ang lalaking mapapangasawa ko at saan ko makikilala? September 16, 1974 ang birthday ko.
Umaasa,
Mayla Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang problema dahil hindi ka naman tatandang dalaga Mayla, sa halip, kitang-kita ang malinaw at kaisa isang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na medyo may edad ka na sa gulang na 41, tiyak ang magaganap makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng masayang pamilya sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016, sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero, isang lalaking may kaya sa buhay o kaya’y kasamahan mo rin sa trabaho ang manliligaw sa iyo at sa bandang huli ay tuluyan mo na ring magiging boyfrend at mapapangasawasa.
Itutuloy…
Hindi tatandang dalaga
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...