May dine-date ngayong foreigner si KC Concepcion. Ito ang unang pagkakataon na inamin ng TV host-actress na balik na siya sa pag-entertain ng suitors after ng break-up nila ni Paulo Avelino several months ago.
Sa Kris TV kahapon sinabi ni KC na may idine-date siyang non-showbiz guy at isa raw itong foreigner na limang taon ang tanda sa kanya.
“Yes, I’m dating. Quietly lang. European. Ayaw kong maudlot. Next (guesting na lang). Ha-hahaha! He’s European. He lives in the Middle East, pero pabalik-balik lang siya sa Pilipinas).”
“He’s hard-working and older, pero wala din naman sa age. It’s yung pagkatao talaga. Kaya nga I don’t want na porke’t may dine-date, kami na agad. You never know.
You have to really give it time. Sabi nila, eight months to one year tapos saka mo pa lang makikita ang totoong kulay ng tao,” anang dalaga.
Mas gusto na raw ni KC ang hindi taga-showbiz, “Tumingin sa akin si Erich (Gonzales) kanina, sabi niya, ‘Non-showbiz na lang, maganda no?’ Sabi ko oo, for me.
“Kasi I’ve dated na my leading men, I’ve done that whole thing na. Tinutuluy-tuloy ko, after ng shoot na nagiging kami.
So sabi ko na-experience ko na ‘yung dating leading men, so maganda ‘yung (non-showbiz),” sey pa ni KC.