Katropang Bandera

ANG loyalistang si Nanding Santos, ng Compostela Valley, ang mga katropang sina Jun Pensona, ng Abuyog, Leyte; ang mga katropa (dabarkads) sa Motor na sina Mykel (Davao City), Mike Lagayada (Tacurong City), Juni (Surigao), Angel (Compostela Valley), Carl (Davao City), Nash Buisan, Arnel Pansacala (Cotabato City), Larry (Davao), Suharto, Dani Casuga (Isulan), Nardz Duga (Datu Odin Sinsuat, Maguindanao), Brian (Cagayan de Oro City), Ethaniel Jems Geverola (Kidapawan City), Bong, Renz (General Santos City), Anwarudin B. Kanose (Poblacion, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao), Allan Durban, Joey Silagan (General Santos City), James, Jun Santos (Tacurong City), Rodolfo Moreno (Sasa, Davao City), Nwduga (Datu Odin Sinsuat, Maguindanao), Rogs (Davao City), Ruel (Davao City), Mike (Cagayan de Oro City), James (Butuan City), Cris (Cotabato City), Rosendo Tuazon (Lambayong, Sultan Kudarat), J2K (Cotabato City),

Jerry Dumanig (Surigao City), Allan Karaw (General Santos City), Eddie (Panabo City, Davao del Norte), Rody (Surigao City), GN (Davao City), JC de la Cruz (Valencia City), Bong (Davao City), Danny (Awang, Cotabato), Nash (Shariff Aguak, Maguindanao), Lazer (Cotabato City), Jake Ramos (Iligan City);Mga katropang Danny Dequito (Barangay San Jose, General Santos City) at Alvin Abrau, ng DagatYaman; mga katropang Alvin (Sultan Kudarat), Allan (General Santos City), Jun (Parang, Maguindanao), Inday Loreto, Lolit ang tatlong veterinary trainers na sina …2327, …9465 at …0207, ng Pets& Livestock; at Ohnello R. Nohara (Dapa, Surigao del Norte), Ahmad Mohamad, at mga direktor na sina  Oscar Parawan, Lealyn A. Ramos, Carlos B. Mendoza, at Atty. Lomala A. Balindong, mga tagapagpalaganap ng TanimYaman, ay ilan lamang sa libu-libong pinagkakautangan namin ng loob dahil sa kanilang walang sawang pagtangkilik sa Bandera.

Ang ating pagiging katropa ay maihahambing sa dabarkads ng walang kupas na EB, sa wala ring kakupas-kupas na Bandera.

Sa mahabang panahon at maraming taon, magkasama tayong nakibalita sa kapaligiran, bansa at sandaigdigan.

Magkasama tayong nakibahagi sa paglilibang para sa masuwerteng kinabukasan; magkasamang di bumitiw at sinundan ang nakaiintriga’t nakababaliw na buhay-artista, ang pagdiriwang sa panalo ng ating sports heroes at nakapanlulumong pagkatalo nila.

Magkasama tayong naglibang sa naakaaliw na mga kuwentong tanging ang tulad lang natin ang nakatatalos.

Marami na tayong pinagsamahan at pinagdaanan.

Maraming salamat, katropa, dahil nariyan pa rin kayo.

Hanggang bukas.

Hanggang sa kinabukasan, katropa.

Read more...