Maraming Filipino ang naniniwala na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan kahit pa kumonti ang bilang ng mga umunlad sa nakaraang 12 buwan.
Ayon sa survey ng Social Weather Station noong Hunyo, 42 porsyento ang mga naniniwala na gaganda ang kanilang buhay, hindi nagbago sa resulta ng survey noong Marso.
Bumaba naman ng isang porsyento at ngayon ay nasa 36 porsyento ang mga naniniwala na hindi gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan. Ang net optimism ay anim na porsyento.
Sa nakalipas na 12 buwan, sinabi ng 28 porsyento na gumanda ang kanilang buhay, mas mataas sa 28 porsyento na naitala noong Marso.
Naitala naman sa 26 porsyento ang hindi gumanda ang buhay na kasing taas noong Marso.
Tumaas naman sa 31 porsyento mula sa 27 porsyento ang naniniwala na gaganda ang ekonomiya ng bansa samantalang ang 15 porsyento ay nagsabi na hindi.
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Una itong lumabas sa BusinessWorld ang media partner ng SWS.
Umaasa ng magandang bukas marami kahit…-SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...