TULOY ang selebrasyon ng 25th years sa showbiz ng nag-iisang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ngayong taon. Either ngayong August or next month ilalabas ang AILABYU magazine niya at susundan ng malaking concert na siya ang magpo-produce.
“Gusto ko lang magkaroon ng magazine for my 25th year sa showbiz. Hindi ba pwede? Ako naman ang gumagastos,” pabirong sagot ni Ai Ai nu’ng tanungin namin bakit siya maglalabas ng magazine.
Bukod dito, inaayos na rin niya ang konsyertong “For The Love of Mama” na magaganap sa SM Mall of Asia sa Oct. 27. “Para sa lahat ang concert na ‘to.
Ang kikitain ay ido-donate sa pagpapagawa ng simbahan sa may Commonwealth, yung Kristong Hari. Hindi ko naman kaya lahat na ako ang magpapagawa.
Pero makabawas man lang ako sa gastusin. Mga P350 million ang kailangan para makapagpatayo ng simabahan,” paliwanag ni Ai Ai.
Nakakalikom na raw sila ng mga kaibigan niyang pari ng P48 million para sa itatayong simbahan, “Kahit man lang P10M makapag-share ako.
Estimate ko lang ‘yun. Sana maraming mag-sponsor,” wish ni Ai Ai. Magpe-perform din daw siya sa concert pero as guest lang pati na ang ibang taga-showbiz.
Although, hindi pa sure kung sinu-sino na ang nag-confirm, “Ang main artist talaga ay ang Six Priest in the City at saka Kerigma 5.
Sila ‘yung mga gwapings na talagang nagko-concert na pang-spiritual kay Bro. Bo,” lahad niya. Natuwa naman si Ai Ai sa balitang maayos na ang relasyon ng co-star niya sa Let The Love Begin na si Donita Rose at mister nitong si Eric Villarama.
And speaking of Let The Love Begin, wala palang kaalam-alam si Ai Ai sa naganap na pagtataray daw ni Rita Daniella kay Donita sa set ng teleserye nila.
Dalawang beses kasing hindi nakapag-taping si Ai Ai dahil naospital siya. “Ngayong aware na ako, ah, siguro may mga bagay kasi na may mga taong ang pasensya…may mga taong mabilis.
Pero kasi in showbusiness, seniority matters. Kapag mas senior ka, respeto at wala kang karapatang mag-inarte sa mga mas nakakatanda sa ‘yo sa industriya.
Kapag bago ka pa lang sa industry, ang karapatan mo ay respetuhin ang senior sa ‘yo, ‘yun lang ang masasabi ko tungkol sa showbiz,” diin pa niya.