Gerald naaksidente sa rehearsal ng ASAP, na-dislocate ang balikat

gerald anderson

Habang nagtitipa kami ng kolum namin para sa BANDERA kahapon ay nakatanggap kami ng mensahe, “Si Gerald Anderson itinakbo sa St. Lukes hospital dahil naaksidente sa ASAP20 rehearsal dahil sa pagkaka-dislocate ng left shoulder dahil namali ang tukod pag back-flip niya.”
Binalikan namin ang isang taga-ASAP20 at kinumpirma nga nito ang nangyaring aksidente, “Na-dislocate lang ‘yung shoulder nang mag tumbling sa opening prod dapat ng ASAP, okay na siya ngayon, naibalik na ang shoulder tapos binigyan ng pain reliever.”
Si Rayver Cruz na raw ang pumalit kay Gerald sa opening number kahapon.

Read more...