Kris tinamad, nag-inarte lang kaya absent sa party ng YES

kris aquino

MALIWANAG pa sa buwan na inisnab ni Kris Aquino ang YES! Magazine party.

Nagmukhang ewan ang mga executives ng magazine sa kahihintay sa kanya, pero walang Kris na dumating. Imagine, siya ang nanalong Most Beautiful Star pero wala siya.

Kinabog niya ang lahat ng artista pero wala siyang pagpapahalaga sa kanyang award. Nasa SONA raw kasi siya kaya hindi siya nakaapir sa awards night, ‘yan ang lame excuse ni Kristeta.

Late na naman nag-umpisa ang awards night, tapos na ang SONA ni P-Noy at ang dali-dali namang pumunta sa venue pero nagmaldita si Kristeta, kesyo pagod na siya.

Grabe ang preparations ng magazine for their anniversary celebration pero lahat ay binalewala ni Kris. Three weeks ago ay naispatan ang writer ng nasabing magazine na si Anna Pingol na nasa Aquino & Abunda Tonight set at iniinterbyu si Kris.

Mukhang ipinaalam na rin niya na siya ang nagwagi bilang Most Beautiful Star of 2015. And yet, hindi iyon binigyang halaga ni Kris. Meron pa siyang pa-sorry-sorry sa kanyang tweet.

We were told na kapag merong mga most influential, sexiest, most popular teen ek-ek drama ang magazine ay nagpapatawag ang YES ng movie press.

Around five or seven ang ipinapatawag nila para mag-brainstorm kung sino ang dapat manalo. Usually ay sa bahay ng editor-in-chief ng magazine ito ginagawa.

Read more...