Buhay ng Pinay OFW na naging ’aswang’ isasalin sa pelikula

By Ervin Santiago August 02,2015
share this

Buhay ng Pinay OFW na naging ’aswang’ isasalin sa pelikula

By Ervin Santiago August 02,2015
share this

roi vinson

KILALA n’yo ba si Maria Labo? Siya yung OFW na pinaniniwalaang isang aswang na diumano’y pumatay at kumain sa dalawa niyang anak.

Tinaga siya sa mukha ng kanyang asawa dahil sa matinding galit. Ang nasabing Pinoy urband legend ang napiling isapelikula at idirek ng action star na si Roi Vinzon.

Bida rito ang baguhang aktres na si Kate Brios na siyang napiling gumanap bilang si Maria Labo. Ang magiging mga anak niya sa pelikula ay ang mga Kapuso child stars na sina Miggs Cuaderno at Lenlen Frial.

Makakasama rin dito sina Jestoni Alarcon, Sam Pinto at Baron Geisler mula sa Starbuilder Productions to be released by Viva Films.

Kukunan ang halos lahat ng mahahalagang eksena ng pelikula sa Angeles, Pampanga. Pero meron din silang isu-shoot na mga eksena sa Dubai para sa iba pang highlights ng movie.

Nag-caregiver din daw kasi si Maria Labo roon.  Ayon kay direk Roi, kapag daw nagpupunta siya roon ay lagi niyang naririnig ang tungkol kay Maria Labo at ang mga nakakapanindig-balahibong kuwento sa pagiging aswang daw nito.

“Madalas ako sa Bacolod City at talagang kilalang-kilala nila roon si Maria Labo kaya nagkainteres akong isalin ang kuwento niya sa pelikula.

Pero para walang maging legal problems, hindi ko ginamit yung real name niya, na sa pagkakaalam ko, 65 years old na ngayon. Yes, buhay pa raw siya at nagtatrabaho ngayon sa isang parlor somewhere,” kuwento ni direk Roi sa presscon ng pelikula kamakailan.

Bilib na bilib naman ang action star-director sa kanyang mga artista dahil pinadadali raw ng mga ito ang kanyang trabaho, “Ang gagaling nila, kahit nga si Kate na baguhan pa lang sa akting, napakahusay na. Sabi ko nga, sa next movie ko, kasama pa rin siya!”

Samantala, naikuwento rin ni direk Roi ang tungkol sa ginawang pagwawala ni Baron Geisler sa harap ng isang bar sa Angeles matapos itong hindi papasukin.

Pulis ang role ni Baron sa Maria Labo kaya nu’ng unang pumutok ang balita ay inakala ng ilan na eksena lang sa pelikula ang nangyari sa bar.

Sabi ni Roi, nangyari ang insidente after ng shooting nila sa Angeles, “May nagsabi sa akin na ang may kasalanan, ang tao doon. Sabi sa akin ha?

“Sabi ko kay Baron, ingat ka lang dahil mahirap eh. Nasa malayong lugar ka. Hindi mo teritoryo ‘yan. Baka bigla ka na lang mawala. Masa-shock ka na lang, wala ka na,” kuwento ng action star.

Hindi pa raw tapos ang ilang eksena ni Baron para sa Maria Labo kaya kailangan pa nilang bumalik sa Pampanga pagkagaling nila sa Dubai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending