NGAYONG pormal nang binabasbasan ni Pangulong Aquino si Interior Secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party (LP) sa 2016 presidential elections, panahon na rin para magbitiw na siya sa kanyang puwesto para hindi siya maakusahang na gagamitin ang pondo ng gobyerno para isulong ang kanyang kandidatura.
Kung ako kay Roxas, isang araw pagkatapos na itaas ang kanyang kamay ni Aquino, inihayag na rin niya ang kanyang pagre-resign at dapat ay ito ay epektibo kaagad.
Bagamat sinabi na ng Malacañang, sa pamamagitan ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na magbibitiw din si Roxas, hindi ito dapat na patagalin pa.
At ngayon ngang deklarado na si Roxas na tatakbo siyang pangulo ng bansa, hindi na rin dapat nagsasalita ang mga tagapagsalita ng Palasyo para sa kalihim bilang delicadeza na rin.
Alam nating malapit sina Valte at Presidential Spokesperson Edwin Lacierda kay Roxas kayat para hindi isipin ng publiko na nagiging tagapagsalita na rin ang dalawa para sa kalihim, dapat ay hayaan na lamang ng mga opisyal na magsalita ang kampo nito para sa kanya at hindi tila dala-dalawa na ang kanilang pinaglilingkuran na tao.
Ayon sa Palasyo, magkakaroon ng transition team bilang paghahanda sa pag-alis ni Roxas.
Nauna na ring inakusahan si Roxas na nagagamit niya ang pondo ng gobyerno para sa pag-iikot niya sa bansa bilang paghahanda sa kanyag pagtakbo bagamat itinanggi na ito ng Palasyo sa pagsasabing ginagawa lamang niya ang kanyang mandato bilang kalihim.
Siyempre kahit ano pang tanggi ni Roxas at maging ng Malacañang, nagagamit na niya ang kanyang posisyon para isulong ang kanyang ambisyon.
Kayat para hindi na lang siya maakusahan, magbitiw na dapat siya bukas o sa lalong madaling panahon at hindi na dapat pang patagalin ng kampo nito.
Sa kabilang dako, umaasa naman si PNoy na tataas pa ang rating ni Roxas. Ito kasi ang dahilan kung bakit maraming ang nagdududa kung makakabawi pa rin ang kalihim sa mga survey.
At sa pagkakadeklara ni PNoy kay Roxas, kumpiyansa naman ang Pangulo na makakahatak ang kanyang endorsement para umangat ang kanyang rating.
Ngayon pa lamang inaabangan na ng LP ang susunod na mga resulta ng survey pagkatapos naman ng basbas ni Aquino kay Roxas.
Sigurado kasing lahat ay nagtatanong kung may epekto ang pag-eendorso ni Aquino kay Roxas para bumango na ang kanyang pangalan sa publiko.
Maging ang publiko ay nag-aabang kung aangat pa si Roxas sa survey matapos naman ang ginawang endorsement ni PNoy sa Club Filipino noong Biyernes.
Abangan na lamang natin ang susunod na resulta ng survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).
Malacañang, tagapagsalita ni Roxas?
READ NEXT
Freedom in the Spirit
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...