Work-related ba ang pagkamatay?

ITO ay kaugnay sa katanungan ni Ms. Lorna sa mga benipisyo na maaaring matanggap sa Employees Compensation Commission (ECC) ng kanyang pinsan sa namatay na asawa. Si Emil B. Torres, isang truck driver ay namatay dahil sa heart attack na maituturing umanong work related ang ikinamatay nito.
Dear Lorna,

Para sa inyong katanungan tungkol sa EC Program, kailangan ng pinsan mo na mag-hain ng EC claim sa SSS na pinakamalapit sa kanya para malaman nya kung kwalipikado siyang makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation Program bilang asawa ni Ginoong Torres.
Nasabi mo na heart attack ang sanhi ng pagkamatay ng asawa niya, dahil dito samahan po ng pre-employment medical examination, medical records, employment records, statement of duties and responsibilities at accident report ang ihain na EC claim sa SSS. Ang SSS po ang may jurisdiction na mag evaluate kung work-connected ang sanhi ng pagkamatay ni Ginoong Torres. Pag na-deny po kayo sa SSS branch pwede pa po kayo mag hain ng motion for reconsideration sa SSS main office at sa pagkakataong i-deny pa po kayo sa SSS main office pwede po ninyong i-apela ang decision ng SSS sa Employees’ Compensation Commission.

Pag may decision na ang SSS o ECC na work-related ang sanhi ng pagkamatay, makakatanggap sila ng funeral benefits na nagkakahalaga ng P20,000 at death benefits pension ang kanyang asawa at dependent children(na hindi lalampas sa lima ang bilang).

Para sa iba pang katanungan, pwede po kayong tumawag sa ECC na may telephone number na 899-42-51 or 52 local 227 o 228.

Maraming salamat. Sana po ay natulungan namin kayo.

Cecil E. Maulion
Chief-Information and Public Assistance Division
Employees’ Compensation Commission
355 Gil Puyat Avenue, Makati City
REPLY: Inaprubahan kamakailan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board of Directors sa pangunguna ni Chairman Ayong S. Maliksi ang 13 pang dagdag na hospitals para maging partner sa ilalim ng PCSO ASAP (At Source Ang Processing) program. Ang programa ay inilunsad noong Abril 22
Ayon kay PCSO Vice-Chairman and General Manager lawyer Jose Ferdinand M. Rojas II, mas magiging kumbinyente o mas madali sa publiko na mabigyang serbisyo ng PCSO sa pamamagitan ng PCSO desk na itinalaga sa mga partner hospitals
Mas madali na ayon pa kay Rojas na mabigyan ng financial assistance ang mga humihingi ng tulong sa PCSO sa ilalim ng individual medical assistance program nito para sa hospitalization, dialysis, medicines at iba pang medical and health related concerns subali’t kinakailangang sumailalim sa evaluation and recommendation ng PCSO desk na pinamamahalaan ng mga social worker
Ang 13 hospitals ay ang Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Muntinlupa, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Children’s Medical Center, Rizal Medical Center, East Avenue Medical Center, Jose B. Reyes Memorial Medical Center, Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center, National Children’s Hospital, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
* * *
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
* * *
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...