Bilang bahagi ng selebrasyon para sa 25th anniversary ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa showbiz, maglalabas siya ng sariling magazine kung saan ibabandera niya ang napakarami pang detalye sa kanyang buhay na hindi pa alam ng mga Pinoy.
“AILABYU” ang title ng nasabing commemorative magazine na ilalabas ni Ai Ai ngayong taon. Limang edition ang gagawin ng Comedy Queen sa loob ng limang buwan – mula August hanggang December.
Sabi ni Ms. A dito mababasa ng publiko ang lahat ng mga pinagdaanan niyang hirap at pagtitiyaga sa 25 years niya sa industriya ng pelikula, telebisyon at entablado.
Meron din siyang latest fashion shoot na ilalabas dito. Ayon pa kay Ai Ai, meron din siyang ilang detalye na ise-share sa madlang pipol tungkol sa kanyang lovelife, pero baka kaunti lang dahil mas gusto niyang ibahagi sa buong mundo ang inspiring parts ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.
Biniro nga si Ai Ai ng mga kaibigan niyang reporter sa ginanap na lunch chikahan with the press kamakailan sa The Buffet International Cuisine sa Commonwealth, Q.C., na ka-level na rin niya ngayon ang ilang iconic personalities na nagkaroon din ng commemorative magazines noon tulad nina dating President Cory Aquino, Comedy King Dolphy at Princess Diana.
Natatawang reaksiyon ni Ai Ai, “Ganu’n!? Puro patay na, ha? Ayokong sumunod, ha? It’s too early! Ha-hahaha!”
Nagdesisyon din daw na maglabas ng sariling magazine si Ai Ai dahil hindi nga siya isinama sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars 2015 list ng YES! magazine kung saan ang dati niyang BFF na si Kris Aquino ang tinanghal na number one most beautiful.
“At least dito, ako ang most beautiful, di ba? Walang mangengealam, kasi magazine ko nga ito!” natatawa pang chika ng Comedy Queen.
Samamtala, sa September na magsisimula ang shooting nina Ai Ai at Vic Sotto para sa “Romcom-in Mo Ako” ang entry nila sa darating na 2015 Metro Manila Film Festival kung saan makakasama rin si Alden Richards sa direksiyon ni Joey Reyes.
Sa darating naman na Oct. 27 magaganap ang ipo-produce niyang inspirational concert sa MOA Arena na may titulong “For the Love of Mama” tampok ang mga kaibigan niyang pari sa grupong Six Priests in the City at ang Kerygma Five.
Marami pa raw kilalang celebrities ang magge-guest sa concert, isa na riyan si Erik Santos. Ang kikitain sa concert ay mapupunta sa MEDA (Martina Eileen Delas Alas Foundation) para sa bonggang renovation ng Kristong Hari church sa Commonwealth, QC.
Anyway, sa Aug. 9 na magsisimula ang bagong Sunday variety/game show ng GMA na Sunday PINASaya na papalit sa Sunday All Stars.
Sey ni Ms. A, “Excited na ako kasi this show is comedy based. Patatawanin muna namin kayo bago namin kayo mas lalong pasayahin sa hatid naming mga papremyo.
At marami pa rin silang dapat abangan na mga bonggang performances mula sa kanilang mga paboritong artista.”
Makakasama rin nila rito sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro at Jerald Napoles.
Higit 10 milyong halaga ng papremyo ang ipamimigay sa pilot episode ng programa. Kaya huwag palampasin ang much-awaited premiere ng Sunday PINASaya dahil siguradong magbabago na ang Sunday noontime habit n’yo!