REUNION nina Cesar Montano at director RD Alba ang latest movie ng aktor na “Biktima.”
Nagkasama sina Cesar at direk RD sa pelikulang “Panaghoy Sa Suba” noong 2004 na humakot noon ng maraming awards.
In that film, si Cesar ang director habang associate producer naman si RD.
Kapareha ni Cesar sa “Biktima” ang napaka-in-demand ngayong si Angel Aquino na gumanap bilang TV reporter at asawa ni Buboy.
Ganu’n din ang indie actress na si Mercedes Cabral at ang pagbabalik sa pag-arte sa pelikula ng misis ni Cesar na si Sunshine Cruz.
Isang psychological thriller ang “Biktima” na kinunan entirely sa mapanganib na lalawigan ng Bohol. Ipalalabas ito sa Set. 19 distributed by Star Cinema.
Sa presscon ng “Biktima,” nagkaroon ng pagkakataon ang BANDERA na maka-one-on-one ang multi-awarded actor-director.BANDERA: Bakit ka bumalik sa genre ng suspense-drama movie?
CESAR MONTANO: Ah, suspense-drama kasi.
Para naman maiba. Kasi katatapos ko lang ng action, gusto ko lang bumalik doon para masabi ko naman, para ma-convey naman ang message ko na gumagawa pa rin ako ng drama.
Hindi puro action lang naman si Cesar Montano.
B: Nagkaroon ng balita na nagkaproblema raw kayo habang sinu-shoot n’yo ang “Biktima” sa Bohol?
CM: Wala ako, sa akin wala akong na-encounter.
Napaka-relax nga ng shooting ko diyan.
Hindi ko nga namalayan na tapos na ako. Tinatanong ko pa, ‘Tapos na ba ‘yun? Nandu’n ba ako sa buong pelikula?’
When I saw it, hindi ako makapaniwala. Ang galing ng editor ko.
Ten days ‘yung shooting. Pero ako four days lang ako. Sabi ko, ‘Bida ba ako diyan?’ Indie kasi.
Sa indie kasi isu-shoot ka nang isu-shoot.
Pagkabihis ko kukunan agad ako.
Wala ngang make-up, e. Sabi ko, ‘Ano kaya hitsura ko sa pelikula walang make-up?’
B: Hindi ba mahal mag-shooting sa Bohol?
CM: Hindi, kasi nagrenta na sila.
Tagaroon ‘yung foreigner na may dalawang camera, red cam na may lente.
‘Tsaka naka-35mm na lente kaya film na film ang dating. Kaya maganda ‘yung kulay, maganda histura.
B: Masasabi mo ba kung ano ang difference shooting an indie film sa paggawa ng mainstream movie?
CM: As a film director, of course, ako, marami akong shot, marami akong anggulo. ‘Yun, nakikita ko teknikal.
Nakikita ko agad eto, ah, kung ako gusto mo meron pa akong anggulo niyan.
Nakukulangan ako doon. But I’m not saying na magaling ganyan, kasi I’m also learning from them.
Sabi ko, ‘Pwede na palang ganu’n?’
Oo , kasi wala namang umaangal.
Kasi hindi naman alam ng audience na kulang pala. Ako lang ‘yun kasi director ako.
Nanonood ako, teknikal muna kasi.
B: May dalawa ka pang pelikulang ginagawa ngayon, ang bio-film ni Manila Mayor Alfredo Lim at ang historical film na “El Presidente” kung saan gaganap ka bilang si Andres Bonifacio. Kumusta ang paggawa mo sa dalawang pelikula?
CM: Naka-one day pa lang ako sa ‘El Presidente.’ Limang araw ako doon.
Si Boyet din as Antonio Luna, five days din.
Gusto kong makatapos kahit dalawang pelikula before the year ends. Kaya naman siguro.
B: Tuloy na ba ang tandem n’yo ni Mayor Lim sa politika?
CM: Well, that’s not a bad idea.
Isang karangalan sa akin na makasama si Mayor Lim of course.
But, sa ngayon kasi ano lang, talagang bio-pic lang ang gusto naming gawin.
B: Meron bang panliligaw o paramdam si Mayor Lim sa ‘yo bilang running mate niya sa susunod na halalan?
CM: Well, oo nga. Pero sabi ko gawin na lang muna natin ‘tong pelikula.
Kung saan mapupunta ‘to bahala na ang Diyos. I’m too busy.
Open lang ako. Pero kung tatanungin ako kung may plano ako ngayon, wala.
Ang plano ko ngayon is to do movies. How I wish I could do that.
It’s not a bad idea kung makapaglingkod sa bayan.
Pero ngayon, as of now, gawin muna itong mga project, mga film na gusto kong tapusin.
Masyado akong excited to do these films, e, na plano kong gawin para ipagpalit ko to run for public office.
B: Aabot ba sa election ban ng Comelec sa mga artistang tatakbo ang showing ng movie n’yo ni Mayor Lim?
CM: Ang election ban ba ay hanggang October lang dapat ‘yung mga tatakbo next year?
Ay, kung ganoon sa akin, kung tatakbo ako dapat bago mag-Ocotber ipalabas ang pelikula ko, ganoon.
So, kaya kailangan naming tapusin ‘to para ma-release before Metro Manila Film Festival.
Maganda kasing time ‘yun for films, e.
Pero hindi pa malinaw kung December na talaga ipalalabas ‘yung movie ni Mayor Lim.
Malamang next year na ‘yan.
B: So, tatakbo ka nga?
CM: Hindi talaga. Hahahaha!
B: Ano ang major factor para tumakbo ka next election?
CM: Kung talagang hinihiling ng taong bayan na kailangan nila and they’re tired of the old public servants kung sinuman sila, e, ‘di malalaman natin ‘yun.
‘Tsaka ‘yung ano, the supporters, tsaka kung umokey din ang family ko.
B: Sabi ni Sunhine wala siyang alam tungkol sa plano mong pagtakbo ulit. Wala kang sini-share kay Sunshine?
CM: Hindi kasi siya naman she’s been very, very supportive.
Kapag sinabi ko sa kanya, ‘Sige basta kung saan ka, nandoon lang ako.’ Bait ng asawa ko, ‘di ba?
B: Hindi ka na nga raw babaero sabi ni Sunshine. Anong reaksyon mo diyan?
CM: Tapos na tayo diyan. Matagal na. He-hehehe!
B: Kung meron kang gustung-gustong gawin na buhay ng isang bayaning Pinoy sa big screen kanino ‘yun?
CM: Si Andres Bonifacio. I’d love to do that.
How I wish I could do a full length na istorya lang ni Andres Bonifacio. Isa ‘yan sa mga gusto kong gawin na pelikula talaga,
Ang Supremo. Ako may ginawa ako dati Ang Supremo for television.
Maganda kung full length movie naman. Isa sa pinaka-exciting na characters ‘yan.
Kasi dalawang kwento, e. Kwento ng Magdalo at kwento ng Magdiwang.
Kwento ng grupo ni Bonifacio at grupo ni Aguinaldo.
Kasi Aguinaldo is being accused of pinapatay niya si Bonifaco.
Si Bonifacio naman was a great threat to Aguinaldo. Kasi nga after the election binalewala niya ‘yung eleksyon.
B: Noong nakausap namin si Robin Padilla sinabi niya na kaya niya tinanggihan ang role ni Andres Bonifacio sa “El Presidente” ay dahil hindi siya umaayon sa pagkakasulat ng kwento sa conflict nina Bonifacio at Aguinaldo. More or less, may ganu’n ka ring sentiment sa conflict nila pero bakit tinanggap mo pa rin ang role sa “El Presidente?”
CM: Kasi book ito ng grupo ng mga Aguinaldo.
Kaya pabor ito kay Aguinaldo, of course.
But saan ba kinuha? Since it’s from the book na naka-out na mabibili nila sa mga bookstore.
Kung may gusto tayong awayin ‘yung libro, ‘yung writer ng book.
Kasi ano na, e, Philippine history na ‘yun, e. So, paano mo kakalabanin? It’s there already.
B: Bukod sa mga pelikula, visible ka rin ngayon sa telebisyon bilang host ng Artista Academy sa TV5. Since nasa TV5 ka na at ang dati mong kapareha sa sitcom ng ABS-CBN noon na si Maricel Soriano, posible ba na magsama ulit kayo sa panibagong comedy show sa bago nilang network?
CM: Alam mo ang ganda ng tanong mo kasi kausap ko lang si Kitchie (Benedicto). Sabi ko, ‘Ninang, gawin naman natin ang John En Marsha. Ninang namin ni Shine sa kasal si Kitchie.
B: Ano ang title? Shirley And Cesar o Buboy En Shirley?
CM: Buboy En Shirley, ‘di ba? Basta parang John En Marsha ang dating.
At talagang ganoon kahirap. Pilipinong-Pilipino ang dating.
Bumabalik ang sitcom, e. Pero ang gusto ko ganu’ng-ganu’n ang tema.
Nasa squatter pero naka-flat TV, ‘di ba? Ganoon naman sila, e.
Kapag pumasok ka sa bahay nila ganoon talaga, e. May Dona Delaila (Dely Atay-Atayan)? Ganoon pa rin, meron noon.
Kasi ang henerasyon ngayon hindi naman nila inabot ‘yan, e. wala na. E, ngayon ipa-follow -up ko. Buti binanggit mo.
B: Ano ang plano sa ‘yo ng TV5? Hands-on ka ba sa pagpili kung ano ang klase ng show na lalabasan mo sa Kapatid network?
CM: Ngayon hindi pa kami totally nakataling-tali sa TV5. Eto ginawa lang namin (Artista Academy) dahil we’re working on a bigger project.
Tinanggap lang muna namin itong Artista Academy.
B: Hindi ka pa nag-sign ng network contract?
CM: Hindi pa, wala pa.
B: May latest news ka ba sa isa sa mga paborito mong director na si Marilou Diaz-Abaya?
CM: Wala pa. Pero tuloy pa rin ang chemotherapy niya.
Matagal na kaming hindi nagkita. Kasi kapag nagpapa-chemo siya hindi siya nagpapadalaw.
Hindi rin kasi siya makapag-entertain ng bisita.
The last time was, matagal na. Pero kasi nu’ng last time, last year, November or December, nag-remission siya.
Ang ganda. Nag-launch nga sila ng book kasama niya ‘yung doktor niya. She’s very, very happy. Natutuwa naman ako.
B: What about your son Diego? Nasaan na siya?
CM: Si Diego nag-aaral, full time. Sabi niya sa akin, ‘Dad, gusto ko munang tapusin ‘to.’ ‘Yung high school niya.
Kapag tapos na, mag-aaral daw siya sa La Salle.
Well, humihingi siya ng tulong sa akin para makapag-aral sa La Salle. ‘Yeah, go,’ sabi ko sa kanya. Ang course niya baka Masscom.
B: Is it true na ikaw mismo ang nagpatigil kay Diego sa pag-aartista pagkatapos ng so-so performance niya sa last movie mong “Hitman?”
CM: Hindi. Actually, it was his decision to stop at mag-focus na lang sa pag-aaral and I respect that.
Sabi ko sa kanya, ‘Tama. Simula’t sapul ‘yan ang gusto ko sa ‘yo.
I was against na pumasok ka ng pag-aartista.
Pero siyempre, kayo ng mother mo ang nasunod so, I supported you.
Siyempre, lagi lang naman akong nasa likod mo.
Pero ngayon dahil gusto mong mag-full time sa pag-aaral, ako ang unang pinakamaligayang tao.’
Lagi kaming nag-uusap. Nagba-basketball kami every Sunday or Tuesday.
Nagkausap kami tungkol dyan last week lang.
Itong sa (OB) Montessori niya tatapusin niya. Binayaran ko na rin ‘yung buong taon niya.