PORMAL nang inendorso ni Pangulong Aquino si Interior Secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party (LP) sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan na dinaluhan ng mga dang-daang lider at miyembro ng partido.
“Mga Boss, idinudulog ko po sa inyo ngayon: Sa akin pong opinyon, ang nagpakita na ng gilas at ng integridad, ang hinog at handang-handang magpatuloy ng Daang Matuwid: walang iba kundi si Mar Roxas,” sabi ni Aquino.
Ibinida pa ni Aquino ang mga katangian ni Roxas.
“So, ano ho ‘yung siguradong kinausap natin at sigurado tayo? Number 1: Siguradong may kakayahan; siguradong walang ibang Boss kundi ang taumbayan, siguradong walang ibang pinagkakautangan ng loob, siguradong walang ibang interes kundi ang bayan. Sa madaling salita po, doon na po tayo sa siguradong itutuloy ang Daang Matuwid. At ang paniniwala ko po, ang taong ito, walang iba kundi si Mar Roxas,” ayon pa kay Roxas.
Inisa-isa pa ni Aquino ang mga nagawa ni Roxas kabilang na ang pagpapalago ng Business Processing and Outsourcing (BPO) sa bansa.
“Mula 2,400 na empleyado noong taong 2000, lumago na ito noong 2014 sa isang industriyang nagkakahalagang P18.9 billion na diretsuhan pong nag-eempleyo ng mahigit isang milyong katao,” dagdag ni Aquino.
Pinuri rin ni Aquino si Roxas sa kanyang naging papel sa mga kalamidad na nangyari sa bansa, kagaya ng Zamboanga siege, ang lindol sa Bohol at ang bagyong Yolanda.
“Sa Leyte, gusto lang niyang sumunod sa patakaran, pero itong mga kausap niyang mas mahilig mamulitika, nag-edit ng video para siraan siya. Isa pa pong halimbawa: Wala pang madaanan ng mga kotse, kaya minabuti ni Mar sumakay ng motorsiklo para makarating sa mga lugar na dapat puntahan; nang nadulas, tinuligsa pa siya,” sabi ni Aquino kaugnay naman ng sagutan ni Roxas at ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.
Wala namang idineklarang bise presidente si Aquino bagamat kabilang pa rin si Sen. Gace Poe sa mga pinagpipilian.
Iginiit naman ni Sen. Ralph Recto na pinal nang hindi tatakbo bilang bise presidente ang kanyang asawang si Batangas Gov. Vilma Santos.
PNoy pormal nang idineklara si Mar Roxas bilang standard bearer ng LP
READ NEXT
The rejection at Nazareth
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...