Drew, Iya may kasunduan: Kailangang magkatabi na sa kama eksaktong 9 P.M.

IYA AT DREW 1031

SA 2016 pa planong buntisin ng Kapuso TV host na si Drew Arellano ang misis na si Iya Villania.
“Next year, hopefully. You know, having a baby is really a blessing.

Actually, we talk about it every single day, which is nakakakilig talaga,” ang pahayag ni Drew sa presscon ng bagong 3-minute cooking show niya sa GMA, ang Home Foodie na magsisimula na sa Aug. 10 after Unang Hirit.

Sey ni Drew, nasa honeymoon stage pa rin daw kasi sila ni Iya at gusto muna nilang i-enjoy ang bahaging ito ng kanilang relasyon.

“We’ve been married for more than a year now, a year and a half, I don’t know… it feels like last week. Kasi, parang the honeymoon stage, we feel like we really can stretch out that honeymoon stage.

“Our relationship kasi, for us, it’s different, kasi we’re best friends, e, and lovers at the same time. I don’t know… it sounds funny, but it really works for us,” chika pa ng TV host.

Hirit pa nito, “More honeymoon period, more practice. Everything is all planned out. We’d love to think na, by next year, pagpalain na kami ng Diyos na makakabuo kami ng bata.

“So, yun, I guess siguro for three years of being married, we just really want to take advantage of you and I. We can travel together, we can do stuff together.

And darating (din) yung next chapter na meron nang maliit,” esplika pa ng mister ni Iya. Meron palang sinusunod na “9 p.m. rule” ang mag-asawa, kailangan daw pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay magkatabi na sila sa kama, “We really treasure our time together.

We make it a point that we are at home in time. We want to sleep early, not naman na it’s a need, pero it’s a habit.“It’s also great waking up na wala pang araw.

Ganu’n kami, e. It’s great waking up really early in the morning so we can cook together and do exercises together,” chika pa ni Drew.

Samantala, naniniwala naman ang San Miguel Pure Foods na bukod sa pagkain sa mga restaurants, ang mga foodie ay dapat ding matutong magluto sa kanilang mga bahay upang mas ma-enjoy at mapalawak pa ang kanilang karanasan at kaalaman sa pagkain at pagluluto.

At para nga mas ma-inspire ang mga home cooks sa pag-reinvent at pag-recreate ng mga paboritong dishes, ilulunsad ng San Miguel Pure Foods at GMA 7 ang Home Foodie kung saan tuturuan ang viewers na magluto ng iba’t ibang masarap, masustansya at kayang-kayang mga recipes.

Makakasama ni Drew dito ang mga kilalang chefs na sina Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia. Mapapanood na ang Home Foodie simula Agosto 10, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Unang Hirit sa GMA, at simula Agosto 15, tuwing Sabado at Linggo ng tanghali sa GMA News TV.

Read more...