DEAR Aksyon Line,
Kamakailan lamang ay namatay ang mister ng pinsan ko dahil sa heart attack habang nasa trabaho. Isa siyang driver sa isang trucking company sa Pampanga.
Namatay siya habang nililinisan ang truck na kanyang minamaneho. Naawa po ako sa pinsan ko na namatayan ng asawa na may 6 na anak. Gusto lang po sana namin na malaman kung kwalipikado siya sa pension at ano pong mga benipisyo ang maaaring makuha sa SSS.?
Gusto ko rin po na itanong kung maaari siyang makaakuha ng benepisyo sa ECC dahil work related naman ang kanayng ikinamatay. Anu-anong benipisyo ang pwedeng makuha sa ECC?
Sana ay matulungan ninyo kami. Ang kanyang name ay Emil B. Torres at ang SSS number niya ay ….7761—Lorna
REPLY: Ikinalungkot namin ang nangyari sa asawa ng pinsan mo Ms. Lorna.
Bilang tugon, base sa datos ng SSS, lumalabas na 35 months contributions pa lamang mayroon sa SSS ang asawa ng iyong pinsan at kinakailangan ng 36 months contributions o hulog para maging kwalipikado sa pension.
Gayunman, maaari naman siyang mag claim ng mga benipisyo gaya ng funeral benefits na P20,000 at death claims o lump sum na P40,000.
Malaking tulong na rin ang nasabing halaga upang makapagsimula ng negosyo ang iyong pinsan.
Isumite lamang ang mga kinakailangang requirements ng kanyang misis para sa pag-claim gaya ng death certificate, resibo ng pinagbayaran, sa funeral para sa burial claims gayundin ang marriage certificate(NSO copy), ID at cenomar para sa lump sum.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.