Nahihirapang mag-aral (2)

Sulat mula kay Junior KM 11, Sasa, Davao City
Problema:

1. Sa kasalukuyan po ay nag-aaral ako sa kolehiyo at buwanan po ang aking bayad, tuwing mage-e-exam. Ang problema ay wala na akong pambayad ngayong buwang ito dahil umutang nga si mama ng pambayad para pang-tuition ko kaya lang nagamit naman ang pera nang magkasakit ang kapatid ko. Tuwing sasapit na lang ang bayaran ay nangungutang ang mama ko para lang mapagtapos ako ng pag-aaral, kaya sa pakiramdam ko malaking pabigat na ako sa aming pamilya kaya balak ko na huminto at maghanap na lang ng trabaho.

2. Tama ba ang naiisip kong ito? Hihinto na lang kaya ako at tutulong sa pagta-trabaho para mabawasan ang problema ng pamilya ko? Kung hihinto ako at maghahanap ng trabaho matatanggap naman kaya ako at magkakaroon ng magandang trabaho? January 17, 1994 ang birthday ko.

Umaasa,
Junior ng Sasa, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing dalawang option ang pwede mong pamilian sa iyong kapalaran: Una, magtiis pa ring nag-aaral kahit na sa utang nanggagaling ang pang-tuition. Pangalawa: Kapag huminto ka ay makapagtatrabaho ka sa isang kumpanya at magiging maayos naman ang suweldo mo dito, pero hindi ka na makakatapos sa kolehiyo.

Numerology:

Ang birth date mong 17 ay nagsasabi na sa sandaling nakatapos ka naman sa kolehiyo ay makapag-aabroad ka. Sa ibang bansa ay doon magaganap ang malaking pag-asenso mo. Kapag naman nagtrabaho ka agad, pagkalipas ng 31 years ay mayaman ka na dahil habang nagta-trabaho aymatuto kang magnegosyo.
Graphology:

Anuman ang piliin mo, ang mahalaga ay ayusin mo muna ang iyong lagda. Huwag mong lagyan ng maraming bilog upang ito ay hindi maburara. Sa simpleng lagda, magiging simple at maligaya din ang iyong buhay.
Huling payo at paalala:

Junior, ayon sa iyong kapalaran, kapag nahinto ka ng pag-aaral ay asahan mong hindi ka na makakatapos pa ng kolehiyo pero magkapagtatrabaho ka at yayaman. Samantala, kapag nagpatuloy ka ng pag-aaral, makakatapos ka at pagkatapos ng five years ay makapaga-abroad ka, na siya na ring magiging simula ng tuloy-tuloy mong pag-unlad at pag-asenso sa ibang bansa. Kaya nga sa pagkakataong ito ay ikaw ang pinagdedesyon ng iyong tadhana. Pero anuman ang piliin mo, magandang future pa rin ang nakalaaan sa iyo.

Read more...