Angel, Juday, Dingdong, Anne nakiisa sa #MMQuakeDrill

NAKIISA ang ilang local celebrities sa ginanap na Metro Manila wide earthquake drill Huwebes ng umaga sa  pangunguna ng Metro Manila Development Authority at mga local government agencies.
Tumulong ang mga kilalang artista sa pagpapaalala sa mga Pinoy para maging handa sa pagdating ng sinasabi nilang “Big One” na ang tinutukoy nga ay ang paglindol ng malakas sa kalakhang Maynila at karatig probinsiya.
Idinaan ng mga ito sa social media ang kanilang panawagan matapos makipag-participate  sa malawakang earthquake drill na nagsimula alas 10:30 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga.
Nag-post ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos sa Instagram ng ilang larawan na kuha mismo sa loob ng kanilang bahay nang gawin nila ang sariling paghahanda para sa pagdating ng malakas na lindol. Ipinost niya rin ang larawan ni Lucho habang nasa ilalim ng kanilang lamesa.
11798147_10153053748427473_1157031881_n
Photo:  Screen grab Instagram photo ni Judy Anne Santos
Ipinost naman ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang picture ng laman ng kanyang survival kit at bag sa kanyang IG account kasabay ng pagpapaalala sa madlang pipol na habang maaga ay ihanda na nila ang kanilang sariling survival kit.
Pinayuhan din ni Angel Locsin na huwag na huwag kalilimutang ilagay ang  mahahalagang gamit sa ihahandang survival kit, kabilang na ang flashlight, whistle at medicines. Kasabay nito nag-post din siya ng litrato ng kanyang three-day bug-out bag survival kit.
Photo:  Screen grab from Ange Locsin’s Instagram post
Ipinakita naman ng It’s Showtime host na si Anne Curtis  kanyang followers ang photo ng kanilang building staff na nag-guide sa kanila sa isinagawang Metro Manila Shake Drill kanina.
Nag-share rin ng ilang pictures ang TV host na si Cristine Bersola Babao ng kanyang mga anak na nagpapakita kung paano sinunod ng mga bagets ang “drop, cover, hold” position na kailangang gawin kapag lumindol na ng malakas.
Pinangunahan naman ni Dingdong Dantes ang training at actual earthquake drill sa National Youth Commission sa West Insula, Q.C., kasama ang staff ng NYC main office at iba pang youth organizations.
Ang iba pang celebrities na nag-join sa shake drill ay sina TV host-dancer Jhong Hilario na nag-participate sa loob ng ABS-CBN compound, ang PBB 737 host na si Bianca Gonzales na nag-share ng ilang litrato na kuha sa isinagawang drill sa kanilang village, si Iya Villania at marami pang iba.

 

Read more...