Daang libo nakiisa sa Metro Manila earthquake drill

SABAY-sabay na pinatunog ang mga kampana ng simbahan, sirena ng mga ambulansya at mobile ng mga pulis at maging cellphone alarm messages, na senyales na nagsimula na ang Metro Manila wide na earthquake drill para ihanda ang publiko sa posibleng pagtama ng malakas na lindol.

Nakiisa ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, private establishments, mga paaralan sa nasabing drill.  Tinatayang may ilang milyon katao mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang nakilahok sa isang oras na earthquake drill.

 

Photo:  Mga estudyante ng Ramon Magsaysay High School sa Quezon City.  Kuha ni Alec Corpuz.

 

Naniniwala ang mg opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tinatayang nasa 30,000 katao ang posibleng mamatay sa sandaling gumalaw ang West Valley Fault at magdulot ng may 7.2 magnitude na lindol.

 

 

Read more...