Sey mo Kris, nanay ng 2 anak ni Bistek super close na kay Ai Ai

aiai delas alas

Mag-bestfriends ngayon ang Comedy Concert Queen at si Mayora Tates Gana. Ano naman ang masama du’n? Kung sa pakiramdam nila’y sinsero naman ang kanilang pagkakaibigan, bakit bibigyan ng malisya ang kanilang samahan, di ba naman?

Kaya lang, kapag magkasama sina Ai Ai delas Alas at Mayora Tates ay isang personalidad lang ang pumapasok sa isip ng mga nakakakita sa kanila—si Kris Aquino.

Dating BFF ng sikat na komedyana si Kris, matagal silang naging magkaibigan, pero nu’ng bandang huli ay umasim ‘yun nang umasim hanggang sa magkaroon ng problema sa kanilang pagitan.

Nagkita sila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, lumapit si Kris kay Ai Ai, pero sa kabila ng lahat ay hindi na naibalik pa ang dati nilang pagkakaibigan dahil may pingas na.

Si Mayora Tates Gana naman ay ina ng mga anak ni Mayor Herbert Bautista, nu’ng kasagsagan ng pagdaldal ni Kris tungkol sa relasyon nila kuno ng mayor ng Kyusi ay natural lang na nasaktan sina Athena at Harvey, doble ang sakit nu’n para sa isang ina.

Kaya may common denominator nga sina Ai Ai at Mayora Tates. Ikaila man nilang dalawa ay puwedeng sabihin na ayaw nila kay Kris Aquino.

Nakabangon na mula sa matinding depresyon si Ai Ai, si Mayora Tates naman ay panay ang pag-iikot sa isang distrito ng Kyusi, tatakbo itong konsehal sa darating na halalan.

Read more...