SA di na mabilang na pagkakataon, nagmistulang sirang plaka si Pangulong Noynoy sa paninisi kay da-ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga pagkakamali ng administrasyon ng huli.
Lalaking-lalaki naman siya—tanungin ninyo ang kaibigan niyang si Gerry Acuzar.
Pero para siyang isang babae na palaging inuungkat ang mga pambababae ng kanyang mister sa mga nakalipas na panahon.
Ang dahilan kung bakit di tayo umusad ay dahil ang ating Chief Executive ay nakapako sa nakaraan.
♦♦♦
Kung hindi aalisin ni P-Noynoy ang kanyang pagi-ging benggatibo, gaya ng kanyang inang si Pangulong Cory Aquino, baka dapuan siya ng malubhang karamdaman.
Sa kanyang huling State of the Nation Address noong Lunes, mukha siyang may sakit: ubo siya nang ubo.
Ang aking kaibigan at fellow columnist ko sa INQUIRER na si George Sison, isang self-improvement guru, ay nagsabi na ang mga taong palaging nasa isip ay paghihiganti ay magkakaroon ng malubhang sakit gaya ng cancer.
Isa ko pa ring kaibigan ang nagpayo sa inyong lingkod na, “Alisin mo ang poot sa iyong dibdib dahil yan ang magiging sanhi ng malubhang karamdaman.”
Sinunod ko ang kanyang payo at gumaan ang aking pakiramdam.
Kung gusto ni P-Noynoy na mabuhay ng marami pang taon pagka-tapos ng kanyang pagbaba sa puwesto sa 2016, kaila-ngan niyang kalimutan ang mga taong gumawa sa kanya at sa kanyang pamilya ng masama.
♦♦♦
Dapat isaisip rin ni P-Noynoy na kung hindi napatay ang kanyang ama na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, magiging presidente kaya ang kanyang inang si Cory, na walang karanasan sa pulitika?
Kung hindi naman namatay si Cory sa sakit na cancer, magiging presidente kaya siya?
Sa totoo lang, wala naman siyang ginawang kapansin-pansin noong siya’y congressman at senador.
Sa halip na mag-isip ng paghihiganti, dapat magpasalamat si Pangulong Noynoy sa kanyang kinalalagyan.
May nakapagsabi na ang pagiging pangulo ay “gift from God” kaya’t dapat pasalamatan ni Noynoy ang Diyos at huwag nang mag-isip ng masama sa kanyang kapwa.
♦♦♦
Maraming pinasalamatan si P-Noynoy na mga tao sa kanyang huling SONA.
Mga miyembro ng kanyang Gabinete, ang kanyang yaya at bodyguards.
Kulang na lang pasalamatan niya ang mga K-9 sa Malakanyang. Ang K-9 ay mga aso na nang-aamoy ng mga guests kung sila’y armado o may droga.
Bakit pa kinailangang pasalamatan ang mga taong sinusuwelduhan naman niya, gaya ng kanyang yaya at hair stylist.
Malaking oras ang gi-nugol niya sa pasasalamat na wala namang katuturan.
♦♦♦
Isa sa mga pinasalamatan ni P-Noynoy sa SONA ay si Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Abaya, nagkaroon ng kapalpakan sa Metro Manila Railway Transit, sa Ninoy Aquino International Airport at sa Land Transportation Office sa pag-isyu ng license plates.
Inutil si Abaya, at dapat ay tinanggal na siya sa kanyang puwesto noon pa man.
Pero hindi tinatanggal ni P-Noynoy ang mga matataas opisyal na inutil pero kaibigan niya noong bago siya naging pangulo.
Kasama ni Noynoy si Abaya noon sa House of Representatives.
♦♦♦
Maraming nakaligtaang pasalamatan si P-Noynoy sa kanyang SONA.
Kasama na roon ang mga pulis at sundalo na nagbuwis ng kanilang mga buhay sa Mindanao, lalo na ang “SAF 44” o yung mga pulis na miyembro ng Special Action Force na kinatay sa Mamasapano, Maguindanao upang hulihin ang mga teroristang Moro.
Isa pang di napasalamatan ay si dating Sen. Ping Lacson na naging pi-nuno ng rehabilitation of Eastern Visayas na sinalanta ng Supertyphoon “Yolanda.”