Ruffa sa 2 anak: Hindi nila kailangan ng tatay!

gellie de belen

ISANG “sosyalerang bakla” na mahilig sa ukay-ukay’ ang magiging papel ni Ruffa Guiterrez sa bagong sitcom ng TV5 na Misterless Misis.

“For the first time kinuha nila ako na maging sosyalerang ukay-ukay queen, sabi ko ay perfect, di ko na kailangan magdala ng mga imported clothes!” ang sabi ni Ruffa sa presscon ng programa nu’ng Martes ng gabi.

Makakasama niya rito sina Lorna Tolentino, Mitch Valdes, Gelli de Belen at introducing ang newcomer na si Andie Gomez (dating staff sa Senado ni Tito Sotto).

Ayon kay Ruffa, medyo true to life ang role niya sa Misterless Misis bilang si Diane na isang deborsyada at naghahanap ng Mr. Right.

Bigla namang sumingit si Gelli at nagtanong ng, “So may Mr. Right ka na ngayon”? “For now, yes,” diretsong sagot ni Ruffa na ang tinutukoy ay ang kanyang latest boyfriend na si Jordan Mouyal.

Mukhang masaya naman si Ruffa sa piling ng kanyang bagong BF despite the fact na hindi pa rin ito tanggap ng inang si Annabelle Rama.

Nang makapanayam ng entertainment reporters si Ruffa pagkatapos ng presscon ay natanong siya kung may balak pa siyang maging misis uli?

“I don’t know. Whatever God has planned for me ayoko nang kontrahin kasi usually when I choose laging palpak. So God will choose whoever I end up with,” sagot ni Ruffa.

Patungkol naman sa mga anak niya, ang lagi niyang wish ay mahalin ng magiging karelasyon niya ang kanyang mga anak. Di naman daw kailangan na maging instant daddy nito dahil kaya naman niyang buhayin ang mga bagets.

E, kamusta naman si Jordan kina Venice at Lorin? “Ok naman. Very friendly. Andyan siya lagi, kunyari may French lesson si Venice, he’ll teach them. Pinagsasabihan din sila pag makulit.

So nakikita ko na he cares.” Father figure na ba ang dating ng kanyang boyfriend kina Venice at Lorin? “Hindi naman father figure kaloka, ha! No! Parang he cares lang.

My girls don’t need a father figure because they are well loved on their own. Andyan naman ang daddy ko, andyan naman ang mga tito nila.”

Sa ngayon ay steady lang sila ni Jordan. At syempre hindi rin maiiwasan ang magungkat ang isyu sa kanila ng dating boyfriend na si John Lloyd Cruz.

When asked kung kamusta naman ang pagkikita nila at muling pagsasama sa trabaho (Home Sweetie Home), “Okey naman.

I have a good relationship now with JL we’re friends.” Sana nga raw ay makasama niya ito sa mas malaking project.

“We have a very comfortable and relax working relationship.” dagdag pa ni Ruffa. Samantala, mukhang promising ang bagong sitcom ng TV5 na Misterless Misis sa direksiyon ni Mark Meily.

Entrada pa lang ng trailer ng programa ay talagang makikita na ang rapport ng bawat member ng cast. Tampok dito ang iba’t ibang uri ng babae sa Pilipinas – may deborsyada, iniwan ng asawa, byuda, kinaliwa at nabuntis sa pagkadalaga.

Ang tanong, paano nila haharapin ang mga problema ng mga misterless misis. Mapapanood na ang Misterless Misis sa Linggo, Agosto 9, sa TV5, 9 p.m..

Read more...