SI Michel de Nostredame, o mas kilala bilang Nostradamus, ay isang French apothecary na sumikat dahil sa kanyang mga nailathalang hula na nagkatotoo umano.
Ang kanyang librong Les Propheties (The Prophecies) ay inilathala noong 1555.
Nakaakit sa atensyon ng publiko ang kanyang mga isinulat na limate
Ang ikalawa niyang libro ay inilathala noong 1557 at mayroon itong 289 quatrains at ang ikatlong edition ng kanyang libro ay may 300 quatrains at nailathala noong 1558.
Ayon sa may-akda ng Secrets of Alchemy na si Jay Weidner, nahulaan ni Nostadamus ang Great Fire of London noong 1666 kung saan natupok ang 13,200 bahay at 87 simbahan.
Gayundin ang pag-usbong ng anti-Christ na si Hitler at ang World War II.Sinabi naman ni Enza Massa, Italian journalist, na mayroong illustration sa libro ni Nostradamus na gusali na nasusunog na katulad ng nangyari sa World Trade Center sa New York noong September 11, 2001.
Ang nakasulat sa Quatrain 1:87 ay “Enormous-promontories on fire in the center of the mainland, will cause trembling in the towers of the City of New York; Two great rock-monoliths continuously shall be attacked,
This is when air-vessels will turn-around to a new course.”
Simula ng katapusanng mundo
Mayroong librong nakuha ang mga mananaliksik na nagsasabi na mayroong mala-king mangayayari sa Disyembre 12, 2012 at maaaring ito na ang magresulta sa pagtatapos ng mundo.
Ayon sa mga nakakita ng libro ni Nostradamus, sinasabi roon na magkakaroon ng galactic alignment sa nabanggit na araw.
Sa prosesong ito ang araw ay direktang nakalinya sa gitna ng milky way galaxy na magdudulot ng dramatic change sa mundo.
Ang gitna ng galaxy ay ang itinuturo ng bala ng pana ng Sagittarius star.
Nag-iwan ng drawing si Nostradamus ng Sagittarius sa kanyang libro.
Nangyayari lamang ang galactic alignment kada-26,000 taon.
Ang galactic alignment ay maaari rin umanong nahulaan ng ancient Mayan civilization na kilala sa kanilang astronomiya.
Naniniwala si Nostradamus na ang mapa ng hinaharap ay nakatago sa mga bituin.
Climate change
Naniniwala ang ilang researchers na nahulaan din ni Nostradamus ang global warming ng isulat niya ang Quatrain 2:3 “Because of heat like that of the sun on the sea.
The fish around Negrepont will be half-cooked. When in Rhoes and Genoa there is lack of food.”
Naniniwala ang mga ma-nanaliksik na ang pinakamataas na temperatura na maaabot ng mundo bunsod ng solar flare ay mangyayari kasabay ng galactic alignment.
Matutunaw umano ang yelo sa north at south pole na magpapalala sa mga bagyo.
Tatlong eclipse ng 2012
Sa nadiskubreng libro ni Nostradamus, mayroon doong larawan ng tatlong eclipse.
At ayon kay Jay Weidner, may akda ng Secrets of the Alchemy, mayroong tatlong eclipse ngayong taon.– total eclipse ng araw, eclipse ng Venus sa araw at ang eclipse ng araw sa sentro ng galaxy.
Kasama rin sa drawing ni Nostradamus ang spiral shape na katulad ng hugis ng galaxy.
Posible rin umanong may kinalaman ang mga itinayong pyramid sa Egypt na naka-align sa mga bituin sa langit.
Ang mga pyramid ay pinaniniwalaan na itinayo sa kalagitnaan ng 23,000 taong cycle ng galactic alignment at posibleng ginawa upang magbigay ng babala.
Magnetic field
Mayroon ding quatrain na nagsasabi na hihina ang magnetic field ng mundo.
At dahil dito makapapasok ng husto ang init ng araw sa mundo namagdadala ng delubyo.
Matutunaw ang mga yelo sa north at south pole na magpapataas sa tubig sa dagat at magpapalubog sa mabababang lugar.
Taggutom
Nagbigay din si Nostradamus ng babala ukol sa darating na taggutom sa Quatrain 10:99- “The end of the wolf, the lion, bull and the Ass…No longer fall upon them the sweet manna”
Magkakaroon umano ito ng domino effect: Kapag wala ng makain, maraming magkakasakit, maraming mamamatay at magkakagulo.
(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera? I-text ang pa-ngalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)