Pinoy cops, sobrang abusado

“FILIPINO cops are among the most abusive in the world.”

Ang statement na iyan ay nanggaling sa bibig ng aking kaibigang Amerikanong si Dennis maraming taon na ang nakararaan noong ako’y crime reporter na nakatalaga sa Western Police District (WPD) sa Maynila.

Hindi ko kinontra si Dennis dahil nagsasabi siya ng totoo.

Noon pa yun. Mas abusado na ang mga pulis ngayon.

Ang isip kasi ng isang pulis ay nakakaangat siya sa ordinaryong mamamayan, lalo na sa mahihirap; kaya’t puwede niya silang abusuhin o apihin.

Dalawang kuwento na ilalahad ko ang nagpapatunay sa pagiging abusado ng mga taong dapat sana ay pagsilbihan at ipagtanggol tayo.

Apat na pulis Maynila na nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs Special O- perations Task Group ang nakapansin na kumikita si Albert Cabrito.

Si Cabrito ay may negosyong “5-6”, lugawan at mamihan, computer shop at buy-and-sell ng mga sirang alahas.

Hiningan si Cabrito ng tong nina SPO1 Rosendo Ascano, SPO1 Brigido Cardino, PO3 Charito Castrence at PO2 Richard Nieva.

Hindi nagbigay si Cabrito dahil, sabi niya, wala naman siyang iligal na gawain.

(Nag-check ang inyong lingkod sa barangay captain ni Cabrito sa Quiapo si Chairman Arnold Almario at kinumpirma niya na mabuting mamamayan si Cabrito)

Dahil sa hindi pagbigay ng tong, inaresto ng apat na pulis si Cabrito at inakusahan ng drug pushing noong 2012.

Hiningan siya ng P40,000 ng apat na pulis, pero ayaw niya talagang magbigay.

Pero ang nagbigay sa mga pulis ay ang kanyang ina na si Remedios, kaya’t siya’y pinakawalan.

Noong nakaraang taon, binalikan si Cabrito ng apat na pulis at humingi ng P500,000.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi nagbigay si Cabrito kaya’t kinasuhan siya ng drug pushing.

Nakulong ang pobreng Cabrito ng walong buwan noong 2014 habang dinidinig ang kanyang kasong drug pushing.

Pinawalang-sala si Cabrito ni Manila Regional Trial Court Judge Maria Bernardita Santos na nag-utos na siya’y pakawalan.

Binalikan ni Cabrito ang apat na pulis matapos siyang makawala sa kulungan at sinampahan ng mga kasong kriminal at administratibo.

Binantaang papatayin nina SPO Ascano, SPO1 Cardino, PO3 Charito Castrence at PO2 Richard Nieva si Cardito kapag hindi niya inatras ang mga kaso.

Inatake sa puso si Remedios Cabrito na naging sanhi ng kanyang kamatayan dahil sa banta ng mga pulis sa kanyang anak.

Nalaman ko ang na- ging masaklap na sinapit ni Cabrito nang siya’y nagreklamo sa aking programang “Isumbong mo kay Tulfo.”

Sa kabutihang-palad, pinaimbestigahan na ni Director General Ricardo Marquez, hepe ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pulis at inutos na bigyan siya ng police bodyguards.

Dalawang pulis Paranaque ang sumugod sa bahay ni Helenmie Abueva, saleslady ng isang department store, at inaresto siya sa salang “drug pushing.”

Napagkamalan daw si Helenmie ng mga pulis sa isang notorious drug pusher na ang palayaw ay “Inday.”

Si Helenmie ay may palayaw din na Inday.

Ang sabi ng mga pulis sa kanilang affidavit na inaresto nila si Helenmie sa labas ng kanyang bahay.

Maraming kapitbahay si Helenmie na nagpa- patunay na siya’y pinasok sa bahay ng mga pulis.

Walang search warrant ang mga pulis, sabi ng mga kapitbahay.

Hindi idinaan si Helenmie ng mga pulis sa barangay hall, isang SOP (standard operating procedure) kapag nakaaresto sila sa lugar na nasasakupan ng barangay.

Sinabi sa akin ni Barangay Captain Eusebio Haplos na walang record si Helenmie sa barangay na isang drug pusher dahil siya’y may permanenteng trabaho.

Sinabi ni Eusebio na siya’y titestigo pabor kay Helenmie.

Read more...