Sulat mula kay Lorena ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
Mula ng iniwan ako ng aking asawa nitong nakaraang February 2015 naging hirap na hirap na kami sa buhay, dahil ako lang mag-isa ang bumubuhay sa aking isang anak na babae, kaya nagkabaon-baon na rin ako sa mga pagkakautang. Nagtitinda lang kasi ako sa palengke ng sari-saring mga gulay na hindi naman sapat ang kinikita ko para mapag-aral ko ang aking anak. Kaya naisipan ko sa inyong magtanong kung may pag-asa pa kayang umunlad kahit na nagiisa lang akong nagtataguyod sa anak ko. May pag-asa din kaya na makapag-asawa pa akong muli o kaya naman’y makapag-abroad o kaya naman’y mapalago ko ang aking munting negosyo gulayan? Sana ay mapayuhan nyo ako kung anop ang dapat kong gawin upang makaahon kami ng anak ko sa kahirapan? October 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Lorena ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May napakalinaw na Guhit ng Negosyo (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung itutuloy mo lang ang iyong negosyong gulayan o kaya naman’y magdagdag ka pa ng produkto, sa pagsisikap at pagsisipag, tiyak ang magaganap mapapalago mo at muling mapauunlad ang negosyo mong tindahan ng gulay sa palengkeng.
Cartomancy:
King of Clubs, Three of Diamonds, at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking magpapahiram sa iyo ng puhunan na sa bandang huli ay maaari mo rin siyang mapangasawa, mabilis ang magaganap, muling lalago ang iyong negosyo, at muli mo ring maiaayos ang kinabukasan ng inyong pamilya.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.