Lalaking hiwalay sa asawa; nanalo ng P35M jackpot sa Mega Lotto 5/45

Isang dental technician mula Marikina City ang nanalo ng P35.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Hulyo 20.
Ang nanalo ay 42-anyos, hiwalay sa asawa at mayroong dalawang anak.
Hindi man buo ang pamilya, sa kaarawan at edad ng mga ito naman niya kinuha ang mga numerong 9-25-26-28-29-42 na nagdala sa kanya ng suwerte.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang operator ng lotto, nagkakahalaga ng P40 ang kanyang itinaya ng manalo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Plano ng nanalo na bayaran na ang kanyang mga utang at magtayo ng sariling dental laboratory.

Read more...