Alden Richards, Yaya Dub sikat na sikat na rin sa ibang bansa

alden richards

Tila successful ang GMA 7 na pasikatin si Alden Richards when it allowed the actor to be a mainstay of sort ng noontime show.

Talagang nakatulong nang malaki ang everyday exposure ni Alden sa Eat Bulaga lalo pa’t inila-love team siya kay Yaya Dub na sikat na sikat na rin ngayon hanggang sa ibang bansa.

Halatang tinalbugan na ni Alden ang young hunks ng Siyete tulad nina Elmo Magalona, Jake Vargas, Aljur Abrenica. Sikat na sikat na si Alden, thanks to his daily exposure.

Actually, among the Kapuso male stars ay talagang si Alden naman ang may malaking potential para sumikat. At napakabait pa ng binata.

Talagang marunong siyang makisama at never kaming nakarining ng hindi maganda about him. Palangiti pa siya at hindi isnabero.

Masuwerte siya dahil kahit hindi siya nakapasok sa StarStruck bilang finalist ay siya ang sinusuwerte ngayon. Ang feeling namin tuloy ay maraming nai-insecure sa kanyang tinatamasang kasikatan.

Read more...