Ayaw ng Magpulis (2)

Sulat mula kay Erice ng Sta. Maria, Treto, Agusan del Sur
Problema:

1. Sa kasalukuyan ay okey na ang aking ranggo at suweldo bilang alagad ng batas, ang problema may mga bagay kaming hindi pinagkakasunduan ng superior ko kaya nagpalipat ako ng assignment, ang problema mas maraming intriga at magugulong sitwasyon sa nalipatan ko, kaya sa kasalukuyan kahit wala pa ako sa retirement age ay balak ko ng mag-resign sa aking trabaho.
Kasi ang totoo nito buhay ko na mismo at ang kinabukasan ng pamilya ko ang nakataya sa gagawin kong desisyong ito. Kapag wala na ako sa pambansang kapulisan saang larangan o career kaya ako aasenso? January 7, 1971 ang birthday ko.

Umaasa,
Erice ng Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag nag-resign ka na bumili ka ng isang farm at doon maaari kang mag-hayupan at maghalaman. Sa nasabing negosyo ka uunlad at yayaman.
Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing kung magnenegosyo ka ng may kaugnayan sa farming at agriculture, kumuha ka ng tauhang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhang ganyan ang birth date ang lalo at higit pang magpapayaman at magpapaunlad sa iyong negosyo.

Luscher Color Test:

Gumamit ka ng kulay na berde at pula, bilang opisyal na kulay ng iyong negosyo upang mas mabilis na lumago ang kabuhayan at upang lalo ka pang yumaman.
Physiognomy:

Bukod sa farm, puwede ring negosyo ang tindahan at grocery, ga- yon din ang pagdi-dealer o pagde-deliver ng basic needs ng mga tao. Ang bilugang hugis ng iyong mukha at nunal sa kanang bahagi ng pisngi ang nagsasabing hindi ka nga sa pagpupulis yayaman kundi sa pagnenegosyo.

Huling payo at paalala:

Erice tama ang desisyon mo, umalis ka na sa kasalukuyan mong trabaho lalo na’t iisiping nanganganib lang ang buhay mo dyan. Sa pagnenegosyo ng mga kalakal na nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap, kung magsisimula ka na ngayong taong ito ng 2015, makikita mo paglipas na paglipas ng 7 hanggang 10 taon, sa year 2022, sa edad mong 51 pataas – mayamang-mayaman ka na.

Read more...