Magnitude 4.4 na lindol naitala sa Zamboanga

zamboanga city
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.4 ang Zamboanga City kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:43 ng umaga.

Ang sentro nito ay 52 kilometro sa kanluran ng siyudad. May lalim itong 121 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Naramdaman ang Intensity II paggalaw sa Zamboanga City. Walang inaasahang napinsala at aftershock ang lindol.

Read more...