Dingdong favorite ng Malaysian ‘Soundtrack Queen’

min yasmin

FINALLY, the long wait is over! Pwede nang i-enjoy nang paulit-ulit ang latest favorite theme song ng bayan, ang “Sa Iyo” nina Min Yasmin at Nikki Bacolod. Nai-release na ang “2 Voices”, ang first full collaboration album mula sa mga talented music artists na ito mula sa Malaysia at Philippines.

Patok na patok ang “Sa Iyo” sa iba’t ibang major stations ng bansa kaya hindi ito nawawala sa kanilang top 10 countdown kung saan kalimitang dominated by foreign songs and artists.

Sa katunayan, sa June 15-21 TOP 10 ng 90.7 Love Radio, tanging “Sa Iyo” lang ang Tagalog song na pumasok sa kanilang weekly countdown. Nakakalungkot isipin na tila ang mga Pinoy artists pa ang nagi-struggle para lang mapabilang sa top radio music .

This is also one of the main reasons kung bakit sinusuportahan ng Malaysian songwriter and record producer na si Julfekar Ahmad Shah II ang Filipino singers.

He believes na very talented ang mga Pinoy music artists at naniniwala na siya dapat, Pinoy ang namamayagpag sa ating music industry.

Salamat at merong local radio stations and PolyEast Records that share the same sentiments. Pero bakit nga malapit na malapit ang puso ni Julfekar sa musikang Pinoy? Meron kasi siyang Filipino blood.

Isang Tausug ang nanay niya pero kahit na lumaki, nag-aral at naging successful businessman sa Malaysia, hindi nabura sa puso niya ang pagpapahalaga sa musikang Pinoy.

“The Filipino music has its own heart and soul. It’s poetic and endearing,” paliwanag pa ni Jul. Dagdag pa niya, may kakaiba raw charm ang kantang Pinoy at yung mga bagay daw hindi natin ma-express, we can express well through music, lalo na through Tagalog or Malaysian songs.

Ito pa ang good news – balak din niyang dalhin ang ilan sa ating singers para mag-concert sa Malaysia.
Hindi biro ang mag-produce ng album dito sa Pili-pinas. Madugo. Mahal.

Pero handa raw si Julfekar na harapin ang mga challenges na ito para lang marinig at magkapuwang sa ating mga kababayan ang kanyang musika.

At hindi masamang mangarap kung ang bayan na kanyang sinilangan at bayang tahanan sa kasalukuyan ay magsanib-pwersa para lumikha ng isang magandang musika, di ba?

Ang “2 Voices” album ay may 10 tracks na binubuo ng Tagalog, Malay at English songs. Aside from “Sa Iyo” meron pang “hugot” songs sa album gaya ng “Ang Tanging Dasal”, “Back To Me”, “Laging Nagmamahal Sa Iyo”, “Sayang Naman”, “Lafazkanlah”, “Fairy Tails”, “Di Na Ako Luluha Pa”, “Yakap”, “Satu Hati Dua Jiwa”, “Sana’y May Bukas Pa” at “Pusong Duguan”. These songs were recorded both in Manila and Kuala Lumpur.

“2 Voices” is distributed by PolyEast Records. Catch Min and Nikki sa kanilang Mall Tour soon.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang press kay Min, na kilalang-kilala sa Malaysia bilang Soundtrack Diva dahil siya raw ang laging kinukuha ng mga TV production doon para kumanta ng theme song ng mga ipinalalabas na serye roon.

Meron din daw siyang kilalang Filipino actors tulad ni Dingdong Dantes na sikat na sikat daw sa Malaysia tulad ng misis nitong si Marian Rivera dahil sa mga teleserye nila na ipinalalabas doon.
Alam din niya na nagpakasal na rin ang dalawa.

Read more...