Paulo hiyang-hiya kay Zanjoe: Wala kaming relasyon ni Bea!

bea alonzo

Mariing idinenay ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang chikang siya ang dahilan kung bakit nagkaroon daw ng matinding tampuhan sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.

Kumalat kasi ang balita na nagkakamabutihan daw sina Paulo at Bea. Nagkasama ang dalawa noon sa serye ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon (2014) at sinasabing naging close talaga sila nu’ng ginagawa nila ang nasabing soap.

Sa thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Bridges Of Love noong Huwebes, sinabi ni Paulo na kasinungalingan ang lumabas na balita sa kanila ni Bea.

“Wala naman po. Nagkataon lang na parang nakita (kami) sa labas…may mga kasama. Kumain lang. Si Bea kasi, sobrang bihirang lumabas. So, pag lumabas siya, parang kailangan mo ring lumabas.

“Kasi parang mabibilang mo lang sa daliri kung ilang beses siya lalabas sa isang taon. Bihirang magyaya,” esplika ni Paulo.

Sinabi rin nitong kasama nila sa paglabas si Shaina Magdayao. Nang tanungin kung nanliligaw siya kay Bea, ang tila hiyang-hiyang tugon ni Paulo ay, “Hindi, hindi. Wala.”

Samantala, huling tatlong linggo na ng Bridges Of Love kaya asahan na ang mas nakakawindang na pasabog nina Paulo, Maja Salvador at Jericho Rosales.

In fairness, consistent ang mataas na rating ng serye, at ito rin ang ikalawang pinakapinapanood na programa online sa video-on-demand service na iWantTV noong nakaraang buwan at nanatiling top trending topic gabi-gabi sa social media.

Huwag palalampasin ang last three weeks ng Bridges of Love, pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...