345 bata nalason sa cupcake, ice candy sa Calamba, Laguna

AABOT sa 345 katao, karamihan ay bata, ang naospital matapos diumanong malason sa mga mga kinaing cupcake at ice candy sa isang paaralan sa Calamba City, Laguna, Biyernes ng hapon, ayon sa mga otoridad.
Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon matapos ang “feeding program” sa Real Elementary School ng Brgy. Real, sabi ni Vicente Tomazar, direktor ng Office of Civil Defense-Calabarzon.
“It was a feeding program [held] as part of the nutrition month. Accordingly, the City College of Calamba sponsored the activity and distributed cupcakes and ice candy,” sabi ni Tomazar sa isang text message.
Umabot na sa 345 katao ang dinala sa iba’t ibang ospital sa loob at labas ng Laguna.
Karamihan sa mga biktima ay estudyante ng elementary school, sabi naman ni Senior Supt. Florendo Saligao, direktor ng Laguna provincial police.
“Nahilo at nanlambot daw ‘yung mga bata,” aniya.
Iniimbestigahan na ng Calamba City Police ang insidente, ani Saligao.
Bago ang insidenteng ito, ilang food poisoning na ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng pagkain ng durian candy, siopao, ube cake, leche puto, pastil, macapuno, tsokolate, at maging kaning panis.

 

Read more...