MAGANDANG buhay sa Aksyon Line! Ako po si Rogelio A. Martirez ng Brgy. Cormidal, Tabaco City Albay (Bicol). Nag retire po ako last February 2, 2015 sa SSS at nakatanggap po ako ng halagang Php 42,736.80 lumpsum para sa 18 months at magkakaroon ng monthly pension sa August 2016 sa halagang P2,400 lang.
Naging kasapi po ako sa SSS noong August 1980 at nag voluntary contribution na lang ako nang mag resign ako sa trabaho last 2004.
Ako po ay nagtataka sa aking natanggap na lumpsum at sa magiging monthly pension ko sa susunod na taon. Ayon sa aking file, ako ay nagkaroon ng 318 buwanang kontribusyon at ang huli kong hulog ay P1,320 (quarterly payment) noong December 2014.
Gusto ko lang po maliwanagan kung tama na ang aking natanggap na lumpsum at ang magiging monthly pension ko. Sana ay agad na mabigyan ng kasagutan ang aking katanungan. Salamat po.
Ang aking SSS no. ay ….504-9.
REPLY: Ito ay may kinalaman sa katanungan ni G. Martirez ukol sa halaga ng pensiyong kanyang natatanggap. Mayroon pong tatlong formula na ginagamit ang SSS para malaman ang halaga ng buwanang pensyon ng isang miyembro.
Malaking salik sa pagkakalkula ng halaga ng pensyon ang mga taong nakapaghulog ang isang miyembro sa SSS at ang katumbas na monthly salary credit ng kanyang naihulog na kontribusyon.
Ipinapakita ng talaan sa ibaba ang ginawang computation ng SSS base sa credited years of service ni G. Martirez (o bilang ng taon kung saan ang miyembro ay may naitalang hulog sa SSS) at ang kanyang average monthly salary credit (o ang average ng salary levels kung saan ibinase ang mga kontribusyon sa loob ng huling limang taon bago siya nagretiro. Ang naging pensyon ni G. Martirez na P2,400 ang pinakamataas na halagang nakuha base sa tatlong formula.
Base po sa aming datos, mayroong kabuuang 318 buwanang kontribusyon si G. Martirez na nagkakahalaga ng P86,963.90. at dahil ang pinakamataas niyang hulog na P416 (na naging P440 matapos ipatupad ang 0.6 porsyentong pagtaas ng kontribusyon noong Enero 2014) ay nabayaran sa loob ng huling limang taon bago siya nagretiro noong
Pebrero 2015, ito ang ginamit sa pagkalkula ng kanyang pensyon. Ang hulog niya na P440 ay may katumbas na monthly salary credit na 4000.
Datos ni G Martirez Credited Years of Service (CYS): 23.5
Average Monthly Salary Credit (AMSC): 4000
CYS na sobra sa 10 taon: 13.5 (23.5-10)
Unang Formula: 300 + (AMSC x 20%) + (AMSC x 2%) (CYS – 10)
300 + (4000 x 20%) + (4000 x 2%) (13.5)
300 + 800 + 1080
P2180.00 (buwanang pensiyon)
Ikalawanang Formula: 40% ng AMSC
40% x 4000
P1600.00 (buwanang pensiyon)
Ikatlong Formula: Halaga ng pensyon kung may 10 – 19 na CYS = P1,200
Halaga ng pensiyon kung may 20 o higit pa na CYS = P2,400
Sa tatlong formula, ang nakuhang pinakamataas na halaga ng pensiyon ay base sa ikatlong formula o P2,400 na siyang ibinigay kay G. Martirez.
Kaugnay naman ng 18-month lumpsum retirement benefit na nauna nang naibigay kay G. Martirez ng SSS, si G Martirez ay binigyan ng P43,200 o katumbas ng kabuuang halaga ng kanyang pensiyon para sa 18 buwan (2,400 x 18 buwan), mula Pebrero 2015 hanggang Hulyo 2016. Binawasan ang halagang ito ng isang porsyento (1%) bilang service fee alinsunod sa polisiya ng SSS kaya po naging P42,736.80 na lamang ang kanyang natanggap mula sa SSS. Makatatanggap si G. Martirez ng kanyang buwanang pensiyon simula Agosto 2016.
Nawa’y nasagot namin ang mga katanungan ni G. Martirez. Maraming salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
Media Affairs
Department