GRABE ang kapayatan ngayon ng partner ni Paulo Avelino ni si LJ Reyes.
As in parang buto’t balat na ang Kapuso actress nang makita namin siya sa presscon ng bagong teleserye ng GMA 7 na Ang Aso Ni San Roque na magsisimula na sa darating na Lunes sa GMA TeleBabad.
Tinanong naming si LJ kung may pinaghahandaan ba siyang role kaya siya namayat ng ganu’n, at dito nga namin nalaman na nagkasakit pala siya habang nagbabakasyon sila ng kanyang anak sa Amerika ilang linggo na ang nakararaan. Ayon sa aktres, nagkaroon daw siya ng stomach flu, isinugod daw siya sa isang ospital sa Amerika dahil hindi na niya kaya ang sakit ng kanyang tiyan.
Hindi naman daw siya na-confine nang matagal pero kinailangan daw niyang magpahinga ng ilang araw para magpagaling.
“Nu’ng nasa Amerika kasi kami ng anak ko, nagkasakit ako, ‘yung nga stomach flu raw.
Actually, nauna pa ‘yung baby ko na magkasakit, nahawa lang daw ako, pero mas grabe.
Nu’ng gumaling na siya, ako naman ang nagkasakit.
“Siguro raw sa mga kinakain ko, kasi may ulcer na ako noon pa, sabi ng doktor baka raw na-aggravate ‘yung ulcer na usually, yun daw ang cause ng stomach flu.
Pero habang nasa ospital ako, nag-anxiety attack ako, so pinag-stay nila ako sa emergency room for observation ng buong gabi,” kuwento ni LJ na gumaganap na nanay ng Kapuso child star na si Mona Louise Rey sa horror-suspense-drama series na Ang Aso Ni San Roque.
“Marami nga ang nagtatanong, ano raw ba ang ginagawa ko, bakit ako pumayat ng ganito, sabi ko naman, huwag silang mag-alala.
Hindi ako adik. Ha-hahaha!” dagdag pa ni LJ. Tinanong din namin ang aktres kung kumusta naman sila ni Paulo Avelino, hindi ba siya naaapektuhan ng mga tsismis sa kanila na kesyo hiwalay na sila, kesyo napapabayaan na sila ng aktor dahil sa sobrang kabisihan nito sa trabaho? “We’re okay.
Ang lagi ko ngang sinasabi trust lang naman talaga ‘yan, kapag may tiwala ka sa isang tao, everything will be fine.
And I trust him, kasi kapag ‘yun ang nawala, wala na lahat,” sagot ni LJ na ikinagulat namin dahil mukhang wala na siyang hiya-hiya ngayon pagdating sa pagsagot sa issue sa kanila ni Paulo.
Paano mo natitiyak na hindi siya magloloko? “Naniniwala po ako na ang isang tao kapag deserving po ng tiwala, bibigyan mo siya nu’n, kasi kapag nabuhay ka sa duda, sa takot, at lalo mo siyang pagdududahan parang hindi healthy.
‘Yung sasakalin mo siya dahil lagi kang may fear na lolokohin ka niya, mas pangit yun, di ba?” Hands on mommy din si LJ, talagang kahit busy siya sa trabaho, sinisiguro niya na nabibigyan niya ng quality time ang 2-year-old baby boy nila ni Paulo na si _____.
Siyempre, top priority pa rin daw niya ang family.
“Every detail about him alam ko, I’m a very loving mom, I think naman.
Naglalaro kami, kasi bata pa naman ako, para lang kaming magkapatid, so I enjoy every single day na magkasama kami.
Sinusulit ko ‘yung bawat oras ng bonding namin.
Kapag busy ako… minsan sa biyahe na ako natutulog, para pagdating ko sa bahay gising ako para sa kanya,” esplika pa ng aktres.
“Nakakatawa nga, kasi this early, medyo bully na siya, luko-lukong bata, maharot, malaro siya, pero mabait naman, nakikinig naman sa akin kapag pinagsasabihan ko.
Kasi ako nu’ng bata ako, malikot din ako, kahit girl ako, kaya what more siya, e, lalaki, di ba?” hirit pa ng aktres.
E, si Paulo, kumusta naman siya bilang tatay? “Siyempre, he has his own ways din para ipakita ‘yung pagiging mabuting ama niya.
Hands on father din siya, nakikipaglaro siya, tinuturuan niyang magbasa, ganyan.
Basta ganito kasimple, kapag check-up tinatanong niya kung anong nangyari, kapag um-attend ng mga party, kinukumusta niya.
He’s a very loving dad din naman.”