Makapag-aabroad ba si mister?

Sulat mula kay Lota ng Luyahan, Pasonanca, Zambonga City
Dear Sir Greenfield,
Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nais ko sanang pag-abroadin ang mister ko kaya lang mahina ang kanyang loob. Sa ngayon ay kinukumbinsi ko pa po siyang mag-aplay sa abroad at sumama sa kapatid niyang nagse-seaman. Tapos kasi ng seaman ang mister ko kaya lang ni minsan ay hindi naman siya nasampa ng barko. Kumpleto naman siya ng papeles para makapag-abroad. Gusto ko lang malaman kung mapapapayag ko ba ang mister ko na mag-abroad tulad ng kapatid nya para umunlad din ang buhay namin? At kung sakaling makapag-abroad na siya, magiging maganda kaya ang kalagyaan niya sa barko at kikita din kaya siya ng malaking halaga?
Kung mapipilit ko si mister na mag-ayos ng mga requirement sa taong din kayang ito ng 2015, may pangingibang bansa kayang itatala sa ikamyang kapalaran? September 14, 1986 ang birthday ng mister ko.

Umaasa,
Lota ng Zamboang City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Madali mo lang malalaman, Lota, kung makaka-alis ba patungong ibang bansa ang iyong mister o kung makapagbabarko siya bilang seaman. Kung may malawak at malinaw siyang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa kanyang kaliwa at kanang palad, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa kanyang kapalaran.
Cartomancy:

Nine of Diamonds, Five of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing walang hadlang sa iniisip mong pag-abroadin ang iyong mister sa sandaling napa-oo mo siya, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Seteymber o kaya’y Oktubre, makakasampa na agad ang mister mo sa barko upang maging isang ganap at matagumpay na mandaragat.

Itutuloy

Read more...