Para sa may kaarawan ngayon: Imbes na mag-concentrate sa aspetong pangdamdamin na ikalulungkot mo lang lagi, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ogre-Ego-Sum.” Red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magiging paborable ang pagdating ng zodiac sign na Leo, ituloy mo ang lahat ng iyong binabalak. Kasado na ang tagumpay sa materyal na bagay dahil may dagdag-bonus pang masarap na romansa. Mapalad ang 9, 14, 23, 32, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Magenta at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Iwasang gastusin ang pera sa mga bagay na madali namang malaos at maluma. Sa pag-ibig, hindi lamang materyal na bagay ang nagpapaligaya kundi pati ang lambing at himas sa minamahal. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Mayabeeja-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ituloy lang nang ituloy ang iyong ginagawa hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang romantikong Libra. Mapalad ang 3, 12, 23, 27, 31, at 43. Mahgiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Upang mas madaling umunlad at umasenso, mas mainam na magpatulong sa isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig sa isang kaibigan Virgo mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om-Agara.” Blue at maroon ang buenas.
Leo (July 23 – August 22)—Wag nang maghanda nang magarbo at mangungumbida pa ng kung sino-sino—simpleng birthday na lang ang dapat. Yayain ang kasuo sa isang pribadong lugar. Sa ganyang paraan, nakatipid ka na ay lalo pang naging sweet ang relasyon ninyo. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag nang magsalita ng kung ano-ano, kumilos na lang nang kumilos upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, naiinip na ang kasuyo sa mga pangako mong hindi naman natutupad. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om.” Silver at Violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kusang sinusuwerte ang mga Libra sa panahon sila ay in-love. Buhayin ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, muling iinit ang nanlamig na relasyon. Kung magsusuot ng kulay na red ay kusang dadami ang salapi. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Bukod sa red at ang berde ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kapag may problema, isipin na ang lahat ay lilipas din. Ang kawalan ng salapi sa ngayon ay nagbabadya ng kasaganaan sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, lilipas din ang kabiguang nadama sa pagdating ng isang Aries. Mapalad ang 7, 9, 27, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Red at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Hindi na uso ngayon ang nagbabait-baitan, upang umunlad ka kailangan ipaglaban ang iyong paniniwala. Tandaan na higit na mas mabuti ang matuwid kaysa sa mabait. Sa pag-ibig, hangga’t hindi ka kumikibo ay patuloy ka lang aapihin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pinansyal kung magpapautang ng salapi, piliin lamang ang mga taong may kakayahang magbayad upang hindi ka masuba. Sa pag-ibig, sa pakikihalubilo sa lipunan ay matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 14, 19, 28, 35, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om-Hagiel-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi ka magbabago ng kilos, malabo kang umunlad. Kailangang umalis ka sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa pag-ibig, sa malayong pook matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Pink at white ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.