Sino kaya ito? Aktres na ex-dyowa ng tibo ikakasal sa dating kabit ng bakla

How true mga ka-BANDERA na ang isang female celebrity diumano ang nanligaw sa kanyang soon-to-be husband na isa ring showbiz celebrity?
Ayon sa mga tsismoso naming ka-tsika, nagkaroon daw ng bonggang friendship and bonding ang dalawa na madalas nagkakainuman o nayayaya ng common friends nila sa gimikan.
Nang magkahulihan daw ng loob at naging very honest sa isa’t isa, du’n na raw nagsimulang umusbong ang love nila sa isa’t isa, pero ang chika, si girl raw talaga ang unang gumawa ng hakbang para sila’y magkaaminan sa tunay nilang feelings.
Part nga raw ng honest bonding nila ay ang pag-amin nila pareho na somewhere in their past ay meron silang mga nagawa o ginawang bagay sa ngalan ng karir at pag-ibig.
Si female celeb daw ay nagluka-lukahan dati sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae at ganu’n din si male celeb na nagawa ring makipagrelasyon umano sa isang gay executive para sa karir nito.
“Mabuti na raw yung 100% nilang tanggap ang mga ganu’ng drama sa buhay nila, at least pareho lang silang may past. Mas nakakatulong nga raw ‘yun sa mga personal preferences nila sa maraming bagay including sex, marriage and commitment,” ang analisa pa ng mga katsismisan namin.

Read more...